Ang Mindanao Ang Mindanao ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas at isa sa tatlong grupo ng mga isla sa bansa, kasama ang Luzon at Visayas. Ito ay tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa bansa, kinabibilangan ng maraming grupong etniko tulad ng mga Maranao at Tausug. Isang mapait na pakikibaka para sa kalayaan ang pinag daranasan ng limang siglo ng ilang mga paksyong muslim laban sa mga nagpasa-pasang mananakop. Ang mga Kastila, Amerikano, Hapones at pati ang mga pwersa ng pamahalaang Pilipino ay hindi nagtagumpay sa pagsugpo sa kagustuhan nilang humiwalay sa nangingibabaw na Kristyanong bansa. Ang mayoriya ng populasyon ng Mindanao ngayon ay Kristyano sanhi na rin ng ilang dekada ng pagaagaw-lupa at malawakang pagpasok ng mga migrante sa rehiyon. Ito ang kinagagalit ng mga mahihirap at nawalang-tahanang mga Muslim Mindanaon at dinadahilang isyu ng mga kilusang separatista na ilang daang taon nang nakikipagdigmaan.