Ang Mindanao
Ang Mindanao ay ang ikalawang pinakamalaking
pulo sa Pilipinas at isa sa tatlong grupo ng mga isla sa bansa, kasama ang
Luzon at Visayas. Ito ay tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa
bansa, kinabibilangan ng maraming grupong etniko tulad ng mga Maranao at
Tausug. Isang mapait na pakikibaka para sa kalayaan ang pinag daranasan ng
limang siglo ng ilang mga paksyong muslim laban sa mga nagpasa-pasang
mananakop. Ang mga Kastila, Amerikano, Hapones at pati ang mga pwersa ng
pamahalaang Pilipino ay hindi nagtagumpay sa pagsugpo sa kagustuhan nilang
humiwalay sa nangingibabaw na Kristyanong bansa. Ang mayoriya ng populasyon ng
Mindanao ngayon ay Kristyano sanhi na rin ng ilang dekada ng pagaagaw-lupa at
malawakang pagpasok ng mga migrante sa rehiyon. Ito ang kinagagalit ng mga
mahihirap at nawalang-tahanang mga Muslim Mindanaon at dinadahilang isyu ng mga
kilusang separatista na ilang daang taon nang nakikipagdigmaan.
Mayroong 25.58
million ang nakatira sa Mindanao noong 2007. Bilang isang pulo sa timogang
bahagi ng bansa, ang Mindanao ang ikalawang pinakamalaki sa sukat na 94,630
kilometro kwadrado, mas maliit sa Luzon ng mga 10,000 km² lamang. Ang isla ay
mabundok, at dito matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa
bansa. Ang Dagat Sulu ay nasa kanluran ng isla ng Mindanao, sa silangan ay ang
Dagat ng Pilipinas, at sa timog naman ay ang Dagat Celebes. Ang grupo ng isla
ng Mindanao ay binubuo ng mismong isla ng Mindanao, kasama ang Kapuluang Sulu
sa timog-kanluran.
Ang grupong ito ay nahahati sa anim na rehiyon, na nahahati
naman sa 25 mga probinsya. Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong
lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng anim na
rehiyong administratibo.
Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa 25 mga lalawigan,
kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao. Kasama sa
grupo ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga pangunahing
isla ng Basilan, Jolo, at Tawi-Tawi, pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit
nito tulad ng Camiguin, Dinagat, Siargao, Samal, at Mga Isla ng Sarangani. Ang
anim na rehiyon ay ang mga sumusunod: Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX)
Hilagang Mindanao (Rehiyon X) Davao (Rehiyon XI) SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII)
Caraga (Rehiyon XIII)
Ang Turismo sa Mindanao
Dako
Island
Isa sa pinakapinupuntahan ng mga turista sa Pilipinas
ay ang tinatawag na lugar sa Mindanao na “Dako island”. Ito ay may Kristal at
malinaw na tubig na mayroong kulay ng torkesa. Ang hangin dito ay kasing lamig
ng hangin sa karagatang Pasipiko. Ang mga sikat na pagkain dito ay Danig at
Satti.
Mt.
Apo
Itinatalang kasam sa pinaka mataas na bundok
sa Pilipinas. At ito ang pinaka sikat na destinasyon sa buong Mindanao dahil sa
pagakyat sa bundok. Mayroon itong taas na 2,954 at ang salitang “Apo” ay ibig
sabihin ay Grandfather o Lolo sa
tagalog, at ibig sabihin ng Mt. Apo ay Grandfather of Philippine Mountains.
Lake
Sebu
Isa sa mga madalas bisitahin na Tourist spot sa Mindanao. Lake Sebu ay
nagtataglay ng mga magagandang tanawin: Ang lawa, mga ibon, mauulap na dahon,
mga bundok at marami pang iba. Isa sa atraksyon sa Lake Sebu ay ang Seven Falls
Zipline at bibigyan ka ng sulyap sa taas ng 3 o 7 mga talon.
Pinaniniwalaang sikretong lugar ng pag-gamot
mula sa mga katutubong nakatira malapit dito. Ito ay napapaligiran ng pader na ganayt at kagubatan.
Lake Holon
Isang magandang bungangang
lawa sa Mount Parker, kahit trekking ay isang mahirap na pagsubok, maraming
trekkers pa rin ang nagtatayo ng dala nilang tolda at siga at ang mga kailangan
nilang gawin.
Mt. Matutum
Isa sa mga bulkan sa Minanao
hanggang mga umaakyat sa mga bundok. Ang bulkan na ito ay hugis apa, ngunit
hindi kasing perpekto ng Bulkang Mayon. Ito ay napapaligiran ng kagubatan na
mayroong iba’t-ibang uri ng halaman at mga hayop na naninirahan doon.
Maria Cristina Falls
Dako Island
Mt. Apo
Lake Sebu
Isa sa mahihiwaga at panikamagandang talong sa Mindanao at sa bansa. Tinatawag din itong “Twin Falls” dahil lang sa baton a nasa gitna nito ay nahahati ang talon sa dalawa. Tumataas ang talon na ito hanggang 98 talampakan na taas.
Hinatuan Enchanted River
Isang ilog sa isla ng Mindanao sa Pilipinas. Ito ay dumadaloy sa Karagatang Pasipiko sa Hinatuan, Surigao del sur. Ang ilog na ito ay itinuturing bilang isang “Enchanted River” sa pamamagutan ng maraming mga local na turista.
Lanzones Festival
Ang Lanzones Festival ay isang
taunang selebrasyon ng pasasalamat dahil sa masagananf ani sa isla ng Camiguin.
Ang bayan ng Mambajao ang nagdiriwang nito tuwing
ikatlong linggo ng Oktubre sa panahon ng pag-ani sa prutas ng Lanzones.
PANITIKAN NG ARMM:
Mga Iba’t Ibang Anyo
ng Panitikan sa Maranao
Sa pagsasaliksik ni
Tim Madela ng Mindanao State University hinati niya ang panitikang pasalita sa
mga sumsunod: panitikang pangIslam, (1) Panitikang di pang-Islam (2) Katutubong
panitikan na Pang-Islam, at (3) Ang iba pang klasipikasyon (Madale,
1942).
Sa panitikang
di pang-Islam, hinati niya ito sa mga sumusunod: (1) Epiko, (2) Tutol
(kuwento), (3) Tubad-tubad (maiiksing tula pampag-ibig) (4) Kadaonga (Love
fest), (5) Pananaroon (kasabihan),(6) Sowa-sowa-i (drama),(7) Limpangan ago
Antoka (Puzzles at Riddles), (8) Rhymes (Sakuba),
(9) Panitikan Pambata (Madale, 1942).
Sa ilalim ng katutubong
panitikan pang-Islam ay: (1) Dekir (Dirge Song),
(2) Quiza (Religious story), (3) Kandidiagao (Crying over the dead),
(4) Khutba (sermons), (5) Koranic Exegesis, (6)
Nagpapaliwanag na Pahayag (Explicatory Statements) tungkol sa Islam, (7)
Duaos, (8) Relihitosong Kanta, (9) Kadaolat sa Miatal (Madale, 1942).
Ang iba pang
klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng pigura ng
pananalita, ang tuwirang paghahambing (simile) at di-tuwirang
paghahambing (metaphor).
KATUTUBONG PANITIKAN
SA ISLAM
EPIKO
Darangen
And Darangen ang
pinakatanyag na epiko sa Maranao. Iilang gabi ang nilalaan para matapos ang
buong epiko.
Ang mga
pinakilalang kabanata sa Darangen ay ang " Ang Pagdukot kay Paramat a
Lawanen, ’’ (So Kiaperawa-i ki Paramat a Lawaen) at, “Ang Pagkamatay ni
Bantugan sa Kaharian ng Dagat,” (So Kapnatangkopan a Ragat) (Madale, 1942).
Ito ay mga kabanta
pati mga buod nito mula sa Darangen:
1.
1. Diwatandao
Gibon- Ang Unang Paghahari ni Diwantandao Gibon ;
Sa kabanatang ito,
isinasalaysay kung paano pinamamalakad ni DiwantadoGibon ang kanyang
kaharian nang mag-isa. Bago siya namatay, nagbigay siya ng payo sa kanyang mga
anak kung paano mamuno. Dito rin isinasalyasay, ang angkan ng pinakaunang
sultan sa Lanao (Madale, 1942).
1.
2. Sandalinaian
Sirig- Nang Dinukot ni Bantugan si Sandalinaian Sirig
Isinasalyasay dito
kung paano inakit ni Paramat a Bantugan and prinses, Si Sandalinaian Sirig. Ang
buong lamin (silid sa tore) ng prinsesa ay dinala sa ibang kaharian
nang di niya namamalayan (Madale, 1942).
1.
3. Minirigi
a Rogong – Pag-ibig at Pakikipagsapalaran ni Prinsipe Lomna
Ito ay karugtong ng
kabanta, “Kpaloma,” ang kabanata na ito ay ikinulwento kung paano inutusan ni
Bantugan si Lomna na huwag umalis sa lugar habang siya ay wala pa
(Madale, 1942).
Si lomna ay iniwang
mag-isa at ang mga tao sa Kadaraan ay gustong maghiganti. Ang ibong Noi
ay bumalik sa Bombaran at nalaman ni Madale ang nangyari. Sinabi
niya sa Nori na pupunta sila at ililigtas nila si Lomna (Madale, 1942).
4. Kaplombaian a Lena- Ang Pagdukot kay Prinsesa Minoiod a Damoao
Si Prinsesa Minoiod a Damao
ay isa sa mga kasintahan ni Bantugan. Habang wala si Bantugan, siya ay dinukot
ng ibang prinsipe. Narinig ni Bantugan. Ito at kaagad iniligtas siya sa
mga kalaban (Madale, 1942).
5.Paramta
a Gandingan- Ang Pagdukot kay Prinsesa Paramta a Gandingan
Nagkaroon ng piging sa
Bogabong Komara. Ang prinsesa ay nakabihis
para sa okasyon nang dumating ang diwata mula sa Bembaran. Nagkaroon ng
kadiliman at kidlat. Nang nagging mabuti ang panahon, umopo siya sa isang bato,
lakongan tomianong. Nakita siya ni Bantugan. Dinala siya sa Bembaran at
ihinarap sa kanyang ama para ikasal ngunit di pumayag ang ama (Madale,
1942).
6. Kambabalaian
Anonen- Bantugen Linigawan si Walain a Maginar
Alam ni Inaionan o
Kampong ( pinuno ng ) na si Bantugen ay kasama si Walain a Maginar. Nang
malaman niya ang mga ito, sinabihan niya lahat ng mga datu ng Bembaran na huwag
siyang kausapin sa kanyang pagbalik (Madale, 1942).
7. Kapminangoao a
Rogong- Ang Pakikipagsapalaran ni Paramat a Bantugen in Minangoao a Rogong
Ang bayani, si Paramt
a Bantugen ay nanaginip ng isang magandang prinsesa, si Alongan
Labimombao na pumunta sa piging ng Bembaran. Sa kanyang panaginip
ay di niya hinayaan bumalik ang prinsesa sa kanila. Ang prinsesa ay
nagkaroon rin ng parehong panaginip. (Madale, 1942)
Nagising si Bantugen
at tinawag siya ng diwata na papuntahin sa kaharian na iyon. Nagbalatkayo siya
bilang isang maitim na lalaki at nakipagkaibigan kay Daridai Mairindo, na anak
ng isang datu (Madale, 1942).
8. Kaploma- Ang
Planong Pagpapakasal ni Prinsipe Lomna
Dito isinalaysay kung
paano humingi si Lomna ng kasal at ng marami pang iba sa kanyang ama, si
Bantugen. Hiningi ri n niya nag awing ginto ang buong lugar (Madale,
1942).
9. Kiaperawa-a ki
Paramat a Lawanen- Ang Pagdukot kay Prinsesa Lawanen
Ito ang pinakasikat na
kabanata sa Darangen.
10. Kailid a Dempas
– Sagayan War Depictions:
Sa kabanatang ito,
inilalarawan ang mga tamang pamamaraan sa pakikibaka. Inilarawan dito ang
tamang paraan sa paghawak ng kampilan. Ang isang mananayaw ay
pinagaaralang ang iba’t ibang pamamaraan sa pakikibaka (Madale, 1942).
11. Kangginasaan
a Oral- Bantugen Hiniwalay ang Nanay ni Ginasaan a Orai
Nagselos si Bantugen
at hinawalayan si Ginasaan a Orai. Nagsimula ito nang makita niya ang kwintas
suot ng kanyang asawa. Sabi niya ito ay bigay ng kanyang ina ngunit ayaw
pa rin ni Bantungen maniwala sa kanya (Madale, 1942).
12. Kapagondoga-
And Di-pagkaiintindihan
Dito, ikinwento ni
Bantugen ang mga pangyayari kung bakit niya hiniwalayan ang kanyang mga asawa
(Madale, 1942).
13. Kapranona-
Pagtanaw sa Nakalipas
Madalas umupo ang
bayani sa bato, lakongan tomianong at inaalala ang mga nakaraang nangyari.
Naalala rin niya ang mga kaharian na kung saan nakipagrelasyon siya sa
mga prinsesa (Madale, 1942).
14. Kasonggiringa-
Ang Di-pagkakaintindihan nina Bantugen at Minoiod
Si Prinsesa
Minoid ay di tinanggap ni Inaionan o Kampong bilang asawa ni Bantugen.
Umalis ang bayani at si Mindanano sa Tonong ay linusob ang lugar.
Si Daridai
Mairindo, isang batang lalaki ay sinubukan ipagtanggol ang lugar ngunit
di niya kaya. Ang prinsesa ay nagpadala ng ibon (Nori) upang hanapin ang bayani
at ipagtanggol sila. Nagkaroon ng pagtutunggali at nailigtas ang prinsesa
(Madale, 1942).
15. Kapenggensaian
a Rogong- Ang Digmaan ni Misoiao
Ito ay tungkol sa
paghihirap at tagumpay ni Misoiao sa pakikipagdigma sa kanyang mga kalaban-
Ikaharaanens (Madale, 1942).
16. Kianggobat i
Misoiao- Nagdeklara si Misoiao ng digmaan sa lahat ng digmaan
Si Misoiao, isang
batang prinsipe ay pumunta sa lahat ng kaharian at nagpahayag ng digmaan
upang patunayan ang kanyang sarili. Pumaslang at Linpastangan niya ang mga
kapangyarihan. Ang nakapagpigil sa kanya ay si Bantungen lamang na tinuturi
niyang ama (Madale, 1942).
1.
17. Natangkopan
a Ragat – Ang Pagkamatay ni Bantugen sa Natangkopan a Ragat
Ang datu ay nagutos sa
lahat ng mga kaharian na huwag kausapin si Bantungen sa kanyang pagdating.
Nagulat si Bantungen
dahil walang gustong makipagusap sa kanya. Umalis siya at namatay
sa ibang kaharian. Kinuha ni Madale ang kanyang kaluluwa sa isang lugar sa
kalangitan at binuhay muli si Bantungen. Ito ay pinkawiling-wili na kabanata
dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na ang lahat ng mga asawa at kasintahan
ni Bantugen ay nagsama-sama upang bigyan siya ng pugay (Madale, 1942).
1.
18. Darangen-
Rinandang- Ang Paglalakbay ni Prinsipe Rinandong
Sa unang bahagi ng
kabanata na ito ay ipinakita ang pinaglahian ng mga tauhan sa Darangen.
Sa sumunod na bahagi
ng kabanata, isinasalaysay nito ang paglalakbay ni prinsipe Bantugen,
Madale, at Rinandang habang papunta sila sa Kiaranda a Ragat. Ito ay kaharian
na kapantay ang Bembaran. Lahat sila ay pumunta upang matanawa ang kaharian at
ang magandang prinsesa (Madale, 1942).
TUTOL
Ang tutol ay nahahati
sa tatlo: (1) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento tungkol sa Pinagmulan), (2) Tutol sa
Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento), (3) pabula (pangangayamun).
TUTOL SA PAGKAPOON
(KUWENTO TUNKOL SA PINAGMULAN)
Radia Indarapatra
Bagama’t itinuturing
ang Radia Indarapatra bilang epiko, ito ay napapabilang sa kategoryang tutol.
Ito ay ayon kay Timan Madela (1942).
Ang Radia Indarapatra
ay may dalawang bersyon: ang sa Maguindanao at sa Maranao. Sa bersyon ng
Maranao, binubuo ito ng pitong kabanata.
Ang tutol ay tumtukoy
sa mga pangyayari sa iba’t ibang pagkakasunod: (1) pisikal at political na
heograpiya, (2) sosyal at pamilyang organisasayon, (3) kosmolohiya, (4)
relihiyon at mahika, at iba’t ibang katangian ng lipunan ng Maranao
(Madale, 1942).
TUTOL SA PIYAKAKUYAKAD
(NAKAKATUWANG KUWENTO)
Isang
magandang halimbawa sa nakakatuwang kuwent na gustong gusto marinig ng mga
Maranao ay ang Pilandok. Si Pilandok ay mautak at maparaan . Isa sa mga kuwento
nito ay ang kuwento kung paano niya tinawid ang ilog na may mga buwaya (Madale,
1942).
Ang Pagtawid ni
Pilandok sa Ilog
Isang araw gustong
tumawid ni Pilandok sa ilog ngunit wala siyang bangka. Takot rin siya lumangoy
dahil mayroon matatagpuang buwaya doon. Hindi alam ni Pilandok kung ano
ang kanyang gagawin. Umupo siya malapit sa ilog at biglang may naisip siya.
Mabilis niyang sinigaw sa mga buwaya (Madale, 1942).
“Gusto ng datu
malaman kung ilan ang mga buwaya nakatira sa ilog na ito. Kinakailangan
na lumabas kayo para mabilang ko kayo.”
Nang marining ng mga
buwaya ito, lumabas ang pinakamatanda na buwaya upang makipagusap kay
Pilandok.
“Bakit gusto ng datu
na bilangin kami?”
“Kasi gusto niya
pakainin kayo araw-araw.”
Nang marinig ng
mga buwaya ito, lumabas sila sa kanilang pinagtataguan. Dahil sa sobrang
dami nila, ihiniling niya sa mga bumawaya na gumawa ng maraming mga hanay
patungo kung saan siya kinaroroonan. Nang matapos ihanay ng mga buwaya
ang kanilang sarili, sinumula ni Pilandok magbilang.
“Isa—dalawa—tatlo.”
Habang ibinibilang niya ang buwaya, lumundag siya mula sa likod sa isang
buwaya patungo sa isa. Nang marating niya ang kabilang banda ng
ilog, lumukso siya. Tumingin siya sa likod, sabi niya sa mga buwaya.
‘’ Ha, ha, ha, naloko
ko kayo. Walang gustong gawin ang buwaya sa inyo.’’ Nang sabihin niya
ito,mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang bahay (Madale, 1942).
PABULA-PANGANGANYAMON
Mahilig ang mga
kabataan sa mga nakakatuwang kuwento. Bukod pa ditto, mahilig rin sila sa mga
kuwento tungkol sa mga hayop o pabula. Halimbawa nito ay ang Unggoy at
Ang Tagak (Madale, 1942).
TUBAD- TUBAD –
MAIIKSING TULANG PAMPAG-IBIG
Noong una, ang
mga Maranao ay gumagamit ng maiiksing mga berso para iphayag
ang kanilang nararamdaman at pagkadismaya. Patula nilang pinapahayag ang mga
ito para di masakit sa iba (Madale, 1942).
Flying hard the
swift is
Trying hard to catch
up with the hawk
But he can not equal
him
Because he is far too
small.
Ito ay may iba’t ibang
interpretasyon depende sa okasyong ginamit ito. Kung sa conteksto na
pag-ibig, maaring ibig sabihin nito na hindi mapapantayan ng isang mangiibig
ang isa dahil ang isa ay masmataas o masmagaling kaysa sa kanya. Ang isa pang interpretasyon
ay ang literal na kahulugan na ang lawin ay di makakapantay sa agila (Madale,
1942).
KADAONGA (LOVE FEST)
Kapag gusto ng
lalaki magphayag ng pag-ibig sa babae, binibisita niya ito sa bahay at
may kasama siyang dala na nagsisilbing tagapagmensahe niya. Sa ganitong paraan,
ang babae mayroon ring tagapagmensahe. Ito ay di pormal na okasyon.
Ito ay halimbawa ng
sagot nang lalaki matapos sagutin ng babae kung mayroon ba itong pag-asa
(Madale, 1942):
Ino ko di
Papanok ka so Nori
Apai so samber ian
Da ngka kasampiroti
Why will i not be sure
that the bird Nori is
mine
When in flight it is
free
but when it perched
it's caught
PANANAROON-
MATALINGHAGANG KASABIHAN
Ang mga pananaroon ng
mga Maranao ay binibigkas tuwing pinaparusa ang isang bata upang matuto o
uyamin ang tao. Kahit karamihan sa mga ito ay di nakasulat, isinasapuso ito ng
mga bata at nagiging bahagi ng kanilang pagpapahalaga at paniniwala (Madale,
1942).
Hal.:
So bawing a ketesen
Na mi song bo sa
ketesen
Na makapemagenesa
A bunch of bawing
plants
May grow far apart
But they are one when
being pulled
SOWA-SOWA-I - DRAMA
Ang Sowa-sowa-I ay
mahahati sa lima: (a)Kamboyka, (b)Kaganat sa darangen, (c)Diabro, Onta, and
Kokok (d)Sagayan (e)Sadoratan (Madale, 1942).
KAMBOYOKA
Ang bayok ay mga patulang
berso na tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Ang tema ay umiikot sa uri ng
kapistahan na piangdidiwang. Ito ay maaring bahagi ng epiko. Ito ay inaawit ng
onor. Ang tawag sa sesyon na ito ay kambayoka (Madale, 1942).
Ito ay maaring
kantahin ng dalawa o higit pa na nakaupo sa magkabila. Ito ay nagsisimula ng
isang panimulang talumpati ng tagapagbunsod at ng mga putok ng baril. Ang
pangatlong tao ay magsisilbing tagapaghatol kung sino sa dalawa ang may
pinakamaganda at may pinakamatalinghagang paglalarawan sa okasyon na iyon
(Madale, 1942).
Ito ay isang halimbawa
ng isang bayok na may tunog ng Darangen na tumatalakay sa isang bahagi ng
epikong, “Kamplomna” (Madale, 1942).
Oh, for the love
Someone of nobility
has come.
To propose for
marriage
He, who can not be
ignored
Because he is of royal
blood.
Lomna, dear Lomna why
did you come
He who is flirtatious,
must be entertained?
Playing around is his
forte.
I see the waves in the
sea
That dash to the
shores of all kingdoms
I see the sun
that shines all over
What made you come?
The bird, Sampiri
Kagandongan is right
To love prince
Bantugen in your behalf
One will regret;
Loving him is just
adoring a pale green color.
The color that fades
easily
As few drops of rain
fall.
Dear Lomna, if you
really mean to live
In Dalinaian Kaparan,
be serious
Then we will put up
flares in Gandamato Damedag
We will shelter you
with an umbrella of yellow
That fades as
rain fall
Dear Lomna, why did
you come?
KAGANAT SA DARANGEN
Ang Kaganat sa
Darangen ay isang interpretatibong sayaw at kanta. Inilalarawan ng
tagapagtanghal na subukan gayahin si Prinsipe Lomna nang pinadala siya upang
mag-alok ng kasal para sa kanyang ama (Madale, 1942).
Ang tagapagtanghal ay
kailangan wala pang asawa, maganda at mayroong malambot na katawan. Ito ay dula
na nagpapakita ng pagpapadala kay Lomna sa Gindolongan. Maraming
pagwawagayway ng pamaypay at maraming paggiwang ng bewang ang isisinasagawa sa
dulang ito (Madale, 1942).
DIABRO, KOKOK, AT ONTA
Ang daibro at ang
kokok ay laging magkasama tuwing kasal, koronasyon at iba ipang magkatulad na
pagdiriwang. Ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng banana. Sa kapistahan,
tatakbo siya kukunin ang kopya (kalo) ng mga datu. Ito ay kostumbre na
maari lamang niya kunin balik ang kanyang gamit kung bibigyan niya ang diabro
ng pera (Madale, 1942).
Ang koko naman
ay isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat. Nakasuot siya ng
kalo. Mahaba ang kanyang buhok at ang kanyang suot ay puno ng algae. Kasama
ang diabro, tatakbo sila, sasayaw sa tunog ng agong at kulintang (Madale,
1942).
Ang onta ay isang
paggaya sa kamelyo. Gumagamit sila ng kawayan upang makabuo ng isang istraktura
na halintulad sa kamelyo. Apat na lalake ang nagsisilbing binti ng kamelyo
(Madale, 1942).
Kinagawian na ang onta
ay linilibot ang buong baryo tuwing kasal at binubukas ang bunganga. Ito
ay kagawian na kung buksan nito ang kanyang bunganga ay kinakailangan na lagyan
ito ng laman. Ito ay nagsisilbing mga regalo ng pamilya ng babaeng
kinakasal (Madale, 1942).
SAGAYAN
Ang sagayan (sayaw
pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay pagsasadula ng kabaynihan ni Bantugen
habang ihinahanda ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mga
kalaban-Ikadaraanen (Madale, 1942).
SADORATAN
Sa isang kabanata sa
epiko, ang prinsesa matapos siyang dukutin ng isa pang prinsipe, siya ay
lumakad sa gitna ng napakaraming tao na nasilayan ang kanyang kagandahan
(Madale, 1942).
Ganito ang paglarawan
ng kanyang paglakad:
“…Kisiod bon a nglai
na arega sakampo, kanatap palad a-i na pasa-i saka inged.”
“…Swaying her hands
as she walks is worth a camp, and lifting her foot is worth a place.”
Ang sayaw na ito ay
pagsasadula nang pinalakad ang prinsesa sa harap ng mga datu at sultan. Ang
tagapagtanghal ay kailangan maganda, marunong kumanta at malamyos maglakad
(Madale, 1942).
LIMPANGAN AGO ANTOKA
- Puzzles at Riddles
Ang limapangan
(puzzles) ay para sa mga matatanda samantalang ang mga antoka (riddles) ay para
sa mga bata (Madale, 1942).
Ang halimabawa ng
limpangan ay ang kuwento ng Unggoy at ng Puno
Ang mga limpangan ay
binibigkas tuwing nagsasama-sama ang mga batang Maranao. Ang bata na na
nakakasagot ng maraming limpangin ay hinahangaan at itinuturing matalino
(Madale, 1942).
Halimbawa ng
limapangan :
Ladia sa kalaan
A di ketangalan
sa ig.
A cup from the forest
Which can not
hold water
Sagot: Bird’s
nest
SAKUBA- Rhymes
Ito ay kasiya-siyang
pakinggan na may dalawang ibig kahulugan.
Ino ako den
a-i
Why am I
Mala ako den
a-i
A grown up
Pekelilid ako den
rolling?
Kapag isinulat
at baybayin sa ibang paraan. Ganito ang kahulugan nito:
Ino
a koden den a-i
Why is this
Mala
a koden den a-i
big
pot
Pekelilid
a koden
rolling?
PANITIKANG PAMBATA
Ang panitikang pambata
ay nahahati sa tatlo:(a) Kanta tungkol sa Pangangaso (b) pangingisda, (c)
lalabay,(d) kantang may rima (rhyme song) (Madale, 1942).
Kanta tungkol sa
Pangangaso
Naniniwala ang mga
bata na kapag maglagay sila ng bitag at kapag sila ay kumanta, mahuhuli nila
ang ibon. Ang isang uri ng ibon na mabibihag nila sa pamamagitan ng
kantan ay ang dao’lan.
Matapos niyang ibitag
ito, aawit siya.
Kanta tungkol sa
Pangingisda
Halimbawa :
Seda ka seda ka
O ba ka panonotolan
Magpeka baka ‘ka
Mabibid a lig ka.
Fish, fish
Do not tell your story
Or your jaw will break
And you neck twisted.
Pinaniniwalaan kapag
kumanta sila ng kantang ito, marami silang mahuhuling isda.
Bung-bong – Lalabay
Kinakanta ito ng mga
nakakatandang kapatid na babae sa kapag pinapatigil ang iyak ng sanggol at
kapag pinaputolog ang sanggol kapag umaalis sa bahay ang ina (Madale, 1942).
Bon, bong ai bong
bongan Sleep,
sleep, sleep
Pakatorog ka wata
Sleep dear little one
Gomirao si ‘na
aka
Mother might say
Ba ko seka
dianeg That I punish
Go ka ri
pimbongetan And reprimanded you.;
Kantang May Rima (rhyme)
Karamihan ng mga bahay
ay itinatayo malapit sa lawa. Dahil ditto, kinahiligan ng mga bata
maglaro at lumangoy sa tubig. Matapos maglaro, lulundag sila mula sa
banto at kakanta sila (Madale, 1942).
Halimbawa:
Talepi, talepi
Beat, beat
Maona ko mamara
I will dry ahead
Di so mga ped
ko Of my companions.
Katutubong Panitikan
na Pang-Islam
DEKIR- Dirge Song
Ang Dekir (dekr sa
salitang Arabo) ay ibig sabihin sambahin ang Panginoon. Ang isang berso mula sa
Koran o ang buong Koran ay itinuturing dekir. Sa mga Maranao, ang ibig
sabihin ng dekir ay isang kanta na inaawit sa huling gabi ng virgil. Kiakailangan
dalawang tao ang aawit ng dekir. Ito ay mayroon mataas na tono. Nang maabot ng
mangaawit ang pinakamataas na tono, hihinto siya sa pagkanta at ipagpapatuloy
ng isa pang mangaawit (Madale, 1942).
Halimbawa:
So Bangkit sa
Donia- The End of the World
Peace be unto you
Oh, how true
While on earth living
and strong
One must perform his
religious obligations
For when the earth
will crumble into pieces
There will be no
places one can stray;
Big waves and storms
one can not stand
What a disaster for
mankind
Allah the Greatest!
QUIZA- Religious
Story
Ang mga quiza ay mga
relihiyosong kuwento na nagmula sa Koran para sa mga nanampalataya at di
nanampalataya. Ang isang halimbawa nito ay ang kuwento ni Ibrahim nang
isakripisyo niya ang kanyang sariling anak (Madale, 1942).
KANDIDIAGAO- Crying
Over the Dead
Ito ay kakaibang
paraan ng pagiyak para sa namatay. Habang umiiyak para sa namatay, ginagawa
niya ito sa magandang tono. Ito ay katulad ng dekir. Iba ang pamamaraan ng
Kandidiago ng lalaki sa babae. Ang tawag sa paraan ng lalaki sa pagkanta ay
kakemama (Madale, 1942).
Ang unang halimbawa ay
pagiyak ng babae para sa kanyang namatay na anak:
Aidao ikaritan ko,
bolawan aken
Ino ko ngka pagawa-i,
ikaritan ko
Aidao Tuhan ko, ino
ngaka raken kowa-a a wata aken a-i
Ikaritan ko a bolawan
aken
Aidao tuhan ko na o ba
ba den mapemasa
Na pamasa-an ko; ay
Tuhan ko
Ngkaia wata aken,
bolawan aken.
My dear child,
my beloved
Why did you leave me,
my child
Dear God, why did you
take away my child
My child, my beloved
Dear God, if I can
only buy his soul
I will buy it, dear
God
My child, my beloved.
Ang sunod na hlaimbawa
ay Kandidiago ng lalaki. Sa pagpasok niya sa silid na mayroong bangkay,
hawak niya ng kampilan sa kanyang kanan na kamay at sa kanyang kanang
paa, stump the floor nang buong lakas. Papahirin niya ang kanyang mga luha sa
kanyang kaliwang kamay at sisigaw (Madale, 1942):
Aidao ama ko, ino kami
ngaka ganati a mga wata ‘ka
Da kami ngka
kanggona-i
Seka i katohanan ami
sa donia
Opama ka ba den
miaaniaia so niawa ngaka,
Sa ba den aden a
kesenditan non
Na di ami den
pakatorogan.
Opaka ka ba den
mapemasa so niawa ngka a tamok
Na sekami a mga wata
ka na bapia mi miapesa a lawas a mi
Na di ami panganogonan
Asar a pekeili ami
seka a mga wata aka.
Dear father, why did
you leave us all
We have not serve you
long
You, our God on earth
If only somebody
mudered you
Whom we can take
revenge of your death
We will not sleep
unless we have revenge;
Or if we can only buy
your soul with property
We, your children sell
ourselves
Ou body we will
treasure so much
If only to see you
alive.
KHUTBA-Sermons
Ito ay mga passsages mula
sa Koran na para sa mga nanampalatay at para rin sa di nanampalataya. Ito ay
isinasagawa ng Iman (pari) tuwing kapistanhan tulad ng Ed-el Fitr, Mauleed-en-Nabi
at sa mga dasal tuwing Biyernes(Salatul Juma-at) (Madale, 1942).
Kadalasan ang tema ng
khutba ay naayong sa okasyon. Halimbawa na lamang kung sa Biyernes, ang tema ay
tungkola kahalagahan ang pagdarasal (Madale, 1942).
KORANIC EXEGESIS
Ito ay mahalaga sa
muslom sa kanilang paginterpreta ng scriptures. Ito ay di lamang
para sa Muslim, para rin ito sa mga di Muslim (Madale, 1942).
EXPLICATORY STATEMENTS TUNGKOL SA ISLAM
Ito ay maaring bahagi
ng ng mahabang khutba o interpretasyon ng Koran.
Ito ay para sa Muslim
at di Muslim (Madale, 1942).
DUA’A
Ito ay binibigkas
pagkatapos ng salat (dasal) at maari rin pagkatapos ng kandori (thanksgiving)
(Madale, 1942).
Halimbawa:
Oh, Allah! The Lord of
this all
And of all the prayers
to be offered,
Bestow on Mohammed the
means
The Greatness and
elevate him in
The most exalted
place,
Which thee least
promised
Verily thou never
breakest a promise.
MGA RELIHIYOSONG
KANTA
Ang mga ito ay nagging
sikat nang dumating ang mga misyonaryong Arabo mula
Egypt sa Pilipinas
upang magturo sa Madarasa na paaralan (Madale, 1942).
Halimbawa :
Inao Tuhan
ani Dear God
A kibogi an ko
podi To whom praise is due
Miaden ko donia Creator
of the world
Ago langon a
kaaden And all living things
Rakmati kami
ngka Give us your blessings
Ago rapeg a
reski And luck
Na go so kambowai
ami Long life, too
Na go ami
pekilalan So we can continue
Nem rokon a iman The
six obligations
Go rokon a islam And
the pillars of Islam
An kami makaogop So
that we can help
A memolia ko
Nabi Offer our thanks to the Prophet
Makasapaat sa
tao And serve our people
A pepegislam And
not forget
A di ami
kalipatan
So di i
kambarorantang Our obligations
Kipelalanen ami and
proclaim with sincerity
So Lailahailalah God
is Greatest
IBA PANG KLASIPIKASYON
Ang iba pang
klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng pigura ng
pananalita, ang tuwirang paghahambing (simile) at di-tuwirang paghahambing
(metaphor) (Madale, 1942).
Halaw mula sa Radia
Indarapatra:
1.
a. The
datu caused the gong to be sounded
And his people were
assembled like the
Spreading ashes and
the returning ants.
1.
b. During
the time of Sultan Nabi nobody had
Excelled his melodious
voice; whenever he
Chants, the wind
blowing, the falling leaves,
And the running water
stop to listen to him.
1.
c. Hey,
golden bird of mine, bring back my child
The fruit of my heart
(liver), the seed of
My eyes, so I can
caress him even for a little
While (Madale, 1942).
PANITIKAN NG TAUSUG
Ang panitikan ng Tausug ay binubuo ng tula at prosa, naratibo at di
naratibo. Ang mga nilalaman ng mga ito ay maaring mapabilang isa sa
dalawang tradisyon:
1.
1. Katutubo(folk)
2.
2. Pang-islam na nakabatay sa Quran at mgat
Hadith (mga kasabihan) and Sunna (tradisyon at kaugalian) ng propetang
Muhammad.
Katutubong naratibo ay
binubuo ng tigum-tigum o tukud-tukud (riddles), masaalaa (proverbs),
daman (poetic dialogue or advice), pituwa (maxims), malikata (word inversions),
tilik (love spells), and tarasul (poems) (Tuban 1977:101).
Tigum-tigum/tukud-tukud
(riddles)
Ang mga tigum-tigum ay
maaring tinatanong sa di pormal na kuwentuhan o ikinakanta sa mga pagdiriwang.
Anumang okasyon , ang pagsasagot sa mga tigum-tigum ay kusang hinuhulaan ng mga
panauhin . Sa porma, ito ay maaring quatrain (kapag
kinakanta), o couplet, o prosa. Ang karaniwang mga
paksa nito ay tungkol sa halama, hayop, kasangkapan , klima, topograpiya,
kalangitan, bahagi ng katawan, pagkain, mga laro, at mga relihiyosong kagawian
(Tuban 1977:101, 108, 111-112).
Ang bugtong sa
lipunan ng Tausug ay nagsisilbing panlibangan lalo na tuwing kasal at sa buwan
ng Ramadan. Ito ay isang pagtutunggali ng katalinuhan. Ito ay nagbibigay aral
sa mga bata tungkol sa kalikasan at sa iba pang bagay na pumapalibot sa kanila.
Narito ang mga halimbawa (Tuban 1977:121-122):
Piyasud,
Piyasling
Piyasausugaring
Pasura paslinga
Pasa usugaringa.
(Makina pagtatahi)
It was entered inside
and taken outside
It was zigzagged
Let it enter, take it
out
Let it zigzag. (
Sewing Machine)
Pay ku hangka uhayuhay
Nalatag in laum bay
(Palitaan)
My grain of Palay is
like a little leaf
But it was able to
fill the whole house (Lamplight)
Day kappa bud datag in
labayan ( Laud)
You climb a mountain
but its path is plain. (sea)
Masaalaa (proverbs/
kasabihan)
Tulad ng ibang pangkat
etniko, ang mga masaalaa (proverbs), ito ay nagpapakita ng pandaigdigang
pananaw sa buhat at kadalasan maririnig sa mga pagdiriwang, sa kasiyahan,
kalungkutan, o pagkadismaya. Ang mga ito ay mayroon gamit sa edukasyon,
pinapangara; ng mga nakakabata sa lipunan ng Tausug (Tuban 1977:140).
Karamihan sa mga kasanihan sa Tausug ay nagpapakita ng dominanteng etniong
katangian.
Halimbawa:
Gam muti in bukug,
ayaw in tikud-tikud.
It is better to die
rather than run away from trouble.
In isug ha way akkal' way guna'.
Courage without discretion is useless.
In tau nagbubuluk bihasa mahumu marayaw in
parasahan niya.
A person who works hard often has a comfortable life.
In halli' subay wajib
mangadjang ha di'
patumu' in ulan.
One must always be
prepared to have a roof
ready before the rain falls.
Ang paniniwala at pagtitiwala sa Panginoon ay enduring sa mga
kasabihan sa Tausug:
*Tuhan in paunahun,
ha unu-unu hinangun,
minsan kaw malaung,
maluhay kaw maapun.
God must be first
before you do anything else,
even if you make a mistake,
you will be easily forgiven.
Paminsan ang mga
kasabihan sa Tausug ay may unibersal na appeal (Tuban
1977:144):
In manussiya magparuparu,
sagawa in Tuhan in magbaya.
Man plans
but God decides.
*Kitbita in pais mu;
bang masakit kaymu,
masakit da isab ha kaibanan mu.
Pinch your own skin;
if it is painful to you,
it is also painful when done to your fellows.
Daman (patulang
diyalogo/advice)
Ang mga daman ay
patulang diyalogo o payo na ginagamit sa panliligaw, at sa mga ritwal sa kasa.
Ang wikang gamit ay luma kaya mahirap ito maintindihan. Sa pamamagitan ng
daman, kaya ng isang manliligaw iphahayag ang kanyang nararamdaman sa isang
magalang at matalinghagang paraanpresent (Rixhon 1974a:41-44).
Ang sumusunod ay isang
daman na ginagamit sa panliligaw kapag natuklasan ng ama ng isang dalaga ang
isang manliligaw na naghihintay sa kanya malapit sa kanilang bahay. Sasabihin
niya (Rixhon 1974a:41-44):
*Unu bagun gikus,
unu lubid us' usan?
What [kind of] rope are [you] twining,
what [kind of] rope are [you] coiling?
Ang sagot ng binata:
Mana'ta lupu
Kimita' pagtanuman
Bang awn na kantanaman
duun na magjambangan.
[I'm] surveying the field
In search of a place to plant
If [I] can find a pleasant place
There [I'll] make my garden.
Kapag maselan ang
paksa sa paguusap, kapag may sekswal na konotasyon, ang daman ay
kadalasan ginagamit upang di makaopenda. (Rixhon 1974a:45-46)
Halimbawa:
In bawgan' pana' mu
Yan da ka kaymu?
Bang kaw biya' siyumu
Bihun ta kaymu
Your arrow container
Is it still with you?
If you are tired of using it
I'll buy it from you.
Maaring ang maging sagot ay:
Mayta' mu subay andagan?
Bihun paandigan
Bang kaw biya' sukuran
Kalu mu mabawgan.
Why do you have to ask for the price?
And buy it insinuatingly?
If you are lucky
You might have the bow for free.
Tausug pituwa (maxims or advice)
Ito ay tulad rin
sa mga kasabihan (Rixhon 1974a:45)
Halimbawa:
Suppak bata malangug, mahumu' kasakitan.
The retribution for a naughty child is pain.
Dunya ini pinjaman
Hapitan panayaman
Ayaw maghamanhaman
Mahuli kananaman
The world goes on and on
a stop-over for games
do not waste time
for at the end comes repentance
Malikata (word
inversions)
Malikata (word
inversions) ay mga salitang mayroong tinatagong biro o mga nararamdaman
para sa iba. Ito ay mga pangungusap na mayroong pagkakabaliktad ng mga salita
na maaring mabasa sa isang kodigo.
Halimbawa:
Kaina bang in anu
matinab init makatina' kay manubu'
bahal panadu?
Tinatagong Mensahe: Mayta' bang tau mabuta di' makakita'?
Why can't blind men see?
Ha' yangad maka-iyul-iyul sinanniyu' binhi' bang
aniya' sinaha' aniyu ni pagkawakawalan, aniyu' higan,
aniyu janni.
Tinatagong : Makaluuyluuy biya' kattu' ini bang way
usahd ta, way gadgi, way pangadji'.
It is a pity for people like us not to have a job nor
to earn a salary, nor to have an education.
Tarasul (poems)
Ito ay kawili-wila at
mayroong maiituro. Kahit sila ay pasalitang ipinapasa sa tradisyon, nakasulat
ang mga ito. Ang mga paksa ay iba’t iba- kalikasan, paglulutog , pag-iba at
marami pang iba (Hassan et al l974a:116, 118, 123, 126):
Halimbawa:
In ulan iban suga
Kagunahan ha dunya
U! Apu' Banuwa
In jambangan tulunga.
The rain and sun
Are essential on earth,
Oh, Apu' Banuwa ["grandfather chief"
or angel Michael]
Help the garden.
…
Manggis iban buwahan
Kasusuban sin katan;
In marang iban duyan
Bungangkahuy manaman.
The mangosteen and the lanzones
Are the delight of everybody;
The marang and the durian
Fruits are tasty.
…
Tarasul ini iban daman
Ganti' pamintangan
Ha pasal ina' subay kalasahan
Di ha dunya ganti' patuhanan.
This tarasul and daman
Serves as a lesson
Concerning the obligation to love one's mother
Since she is God's representative on earth.
…
Mabugtang agun in baran ku
Pasal sin raybal ku.
Hangkan no aku di' no magkadtu
Sabab landu' susa in atay ku.
My whole being seems paralyzed
[Thinking] of my rival.
The reason I no longer pay [her] a visit
Is that my heart is grieving much
Tilik (love spells):
Ang mga tilik (love
spells) ay pangunahing ginagamit ng mga lalaking Tausug upang makuha ang puso
ng babae ngunit mayroon pa ito ibang gamit: upang gawin ang kanyang sarili
kaakit-akit , upang mapagaan ang galit, upang mapahina. Ang mga tilik ay
itinuturing banal at di dapat isawalat. Ang halimbawa sa ibaba ay binibigkas
upang ang mga anghel at ang propeta ay magpakita sa panaginip ng babae.
Ang inkantasyon na ito
ay sinsasamahan ng tatlong palo sa gilid ng unan, na ibabaligtad (Tuban
1977:105-106).
Halimbawa:
Kaddim alua hi dua
Magsailu kita alua
Alua mumari kaku'!
Alua ku mattun kaymu,
Bang adlaw aku in ha atay mu
Bang dum aku in ha mata mu
Iya Mikail, iya Sarapil, iya Gibrail, iya Muhammad
Pasabisabilra niyu aku
Katua niyu kaku' hi (ngan sin babae). Pukawa!
Barakat Laillahailqulla
Barakat duwa Muhammad Razurulla.
Our two souls are chained
Let's exchange our souls
Your soul will come to me;
My soul will go to you.
At daytime I'm in your heart,
At night time I'm in your eyes.
O Michael, O Raphael, O Gabriel, O Muhammad
I am inviting you
To go to [name of woman]. Wake her up?
God's blessings!
Blessings of Muhammad
KATUTUBONG
NARATIBO ( FOLK NARRATIVE)
Ito ay binubuo ng mga
sumusunod:
1.
1. Ang
Salsila (ethno-historical narratives)
·
· Ang mga salsila ay talaan ng pinaglahian ng angkan
ng dakilang angkan. Sinasalaysay ng mga ito ang mga dakilang ninuno,
mahahalagang pangyayari, ang katapangan ng mga bayani, at ang mga
di-pangkaraniwang kakayahan. My bahagi ang salsila na sinasalaysay ng Datu
Salip Raja Bassal Pulalun, ang kanyanh angkan mula pa kay to Sultan
Salahuddin Karamat, 1648-1666 Ganito:
·
· Ang anak ni Sultan Karamat , si Sultan Bararuddin I ay
mayroong apat na anak- anh kambal Datu Alimuddin Han, na gwapo; Datu
Salikala, na pangit, di-pangkaraniwan at kamukha ang unggoy, si Datu Nasaruddin,
Datu Nasaruddin; and Dayangdayang Putli'Agtah Lana. Bararuddin pinamigay ang
Salikala kay Datu Maharaja Dindah Bantilan. Lumaki si Salikala nang
malakas at linigtas si Bararuddin sa mga Kastila.
Ikinuwento ni Bantilan
ang katatotohanan at nagkaisa ang pamilya. Si Sakila at ang kanyang
kambalAlimuddin ay nakatanggap ng salita mula kay Sultan Muhuddin ng Brunei, na
humihiling ng tulong ng lakas sandata,request-ing.
Ang mga kapatid ay
kinakailangan sa digmaan. Si Sakila ay nakatamo ng malalim na sugat. Siya at
ang kanyng mg tauhan ay sinunog ang kanilang sarili. Isang monumentoang itinayo
sa kanla at ang hilgang Borneo ay binigay sa Tausug bilang gantimpala
(Tuban 1977:44-46).
1.
2. Ang
Kaawn Kissa (mga kuwento tungkol sa paglikha), Ang usulan kissa ( mga kuwento
sa pinagmulan),
·
· Ang tema ng paglikha ay sinasalaysay sa mga kuwento na ang
tawag ay kaawn kissa. Halimbawa ay ang "Apu' Adam Iban Apu'
Hawa" (Grandfather Adam and Grand-mother Eve) na isinaslaysay ang
kaunanahang magulang natin at ang pilit na pagalis nila sa paraiso. Napasyahan
ng Diyos na lumikha ng tao muli at magpadala ng anghel na pagsamahin ang lupa.
Tubig, apoy at hangin ay dinagdag upang makabuo ng buhay. Si Adan ay nag-iisa
at binigyan siya ng Diyos ng babae na nabuo sa kanyang tadyang. Apat na anak
ang naipanganak- isang putting lalaki, isang putting babae, isang maitim na
lalaki, at isang maitim na babae. Sa susunod na henerasyon, nagkaroon ng iba’t
ibang lahi bunga ng pagkakasal. Si Eba ay nakain ang ipinagbabawal na prutas at
pinatulo ang katas nito sa bunganga ni Adan. Nang dumuni sila sa paraiso,
pinaalis sila ng Diyos (Tuban 1977:50-51).
Ang pinagmulan ng mga
kostumbre ng Tausug ay isinasalaysa sa usulan kissa. "In Usulan sin
Katantan Bungang Kahuy iban Binatang Halal" (The Origin of Edible Fruits
and Animals). Sinasalaysay nito kundi paano ang balat ni Adan ay ginawang
puno na pinagmulan ng lahat na nakakain na hayop- narrates karabaw, manok,
kambing, kabayo at kalapati. Ang puno, na nagging sagabal sa pagpunta sa
langit, ay inutusang paputulin, ngunit ito ay patuloy na tumtubo at nagbubunga
ng 99 iba’t ibang prutas (Tuban 1977:59).
1.
3. Ang
Katakata
·
· Ang mga katakata ay mga kuwento na di historical at
binibigkas para libangan. Mayroong tatlong uri ng katakata: Ang isa ay tulad ng
alamat, ang isa ay katutubong kuwento marchen, at ang mga kuwento ng mandaraya.
1. Halimbawa ng unang uri ay ang "In Duwa bud" (The Two
Mountains). Mayroon isang lalaki at isang babae na namatat sa dalawang bukid.
Pinaniniwalan ang dalawang ito ay mahiwaga. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng
dagat ng Sulu at Zamboanga.
2. Ang halimbawa
ng pangalawang uri ay ang bersyon ng Tausug, "Tom Thumb". Ang tawag
nila dito ay "Hangdangaw" (literally, "a span high"). Sa
halip ng kanyang sukat, si Hangdangaw ay matakaw at mayroong kakaibang lakas.
Iniwan niya ang kanyang magulang. Mayroon siyang nakilalang apat na
makapangyarihan na lalaki na nagging kaibigan niya: Mamuk Bunga, Tumibik Batu,
Sumagpih Ipil, at Rumatag Bud. Isang araw , nakahuli si Hangdangaw
ng malaking isda ngunit doon niya natuklasan na kinakailangan niya ng
apoy upang makaluto. Pinadala niya ang apat para kumuha ng apoy ngunit sila ay
nadakip ng higanteng kumakain ng tao. Iniligtas ni Hangdangaw at nakain rin
niya ng isda. Matapos kumain, tinapon ni Hangdangaw ang buto ng isda, na sa
kasawing palad ay napunta sa balon ng maharajah. Tinulungan ni Hangdangaw ang
maharajah sa pamamaagitan ng pagtapon ng buto ng isda sa pangalawang
pagkakataon; ito ay nakaabot sa butas ng tubig ng panglima (headman). Ito ay
inulit ng dalawang beses sa balon of ng imam at ng naghaharing prinsipe.
Bilang gantimpala, ang mga anak na babae ng maharajah, panglima, imam, at
naghaharing prinsipe ay pinakasal sa apat na kaibigan ni Hangdangaw. Mula
sa balon ng prinsipe, ang buto ng isda ay umabot sa sultan at napangasawa niya
ang anak ng sultan (Tuban 1977:63-68).
·
· Ang sikat sa mga Tausug na kuwneto ng mandaraya ay
ang kuwento nina Pusong at Abunnawas na napapabilang sa "mautak na
lalaki" uri. Sa mga kuwentong ito , sina Pusong at Abunnawas
ay laging nakakadaya sa hari. Ang kasikatan ng mga kuwentong ito ay nagpapakita
ng di paggalang sa sultan. (Rixhon 1974a:34, 73).
·
· Ang isang pang katakata ay tungkol sa mga higante, agassi
tulad ng "Baguinda Iban Hinda Apu" (Baguinda and Grand-father
Agassi). Mayroon rin mga kuwento na ang gwapong anak ng datu o ang magandang
anak ng datu ay ginawang pangit ng mga nilalang. Sila ay maibabalik lamang sa
kanilang tunay na anyo kung malampasan nila ang mga pagsubok. "Putli Pugut"
and "Manik Buwangsi" ang mga magagandang halimbawa ng ganitong uri ng
katakata.
Panitikang Pang-islam
Ang panitikan pang-Islam ay maipapakita sa mga teksto ng Arabo sa pamamagitan
ng hadis (commentaries on Islamic law), khutba (Friday sermon), at salat
(prayers), (Rixhon 1974a:6-14).
A.
Mga Dasal
1.
1. Duwaa
Ito ay mga debosyonal
na dasal, na dinadagdag sa pang-araw-araw na dasal bukod pa salat. Ito ay
dinadasal sa mga indibidwal, pamilya at sa mga komunidad na karanasan sa
saya at sa kahirapan.
Mga dasal, kung
tawagin duwaa sala-mat o dasal pampasalamat ay ginagawa kapag nakaroos sa
problema
1.
a. Magtaubat
Ito ay isang duwaa ng
pagsisi. Ito ay idinadasal kapag naghihingi ng kapatawaran kay Allah sa mga
kasalanan.
1.
b. Duwaa
arowa
Ito ay mga dasal
para sa mg a anibersaryo ng kamatayan.
c. Duwaa ulan
-for the
alleviation of drought. Ang
mga dasal ay may kasamang jamu (feast).
1.
2. Jihiker
Ang mga dasal na ito
ay pagpbigkas ng 99 pangalan ni Allah na gamit ang tasbih (prayer beads).
Pribado itong isinasagawa bilang bahagi ng salat
Ang pangadji o pagbabasa ng Koran ay isinasagawa ng mga Muslim upang ipakita
nag kanilang pagmamahal at pananampalataya kay Allah. Ito ay maaring
gawin sa publiko o sa sariling pagpapahayag ng debosyon kay Allah.
B. Pangadji
Pangadji ay isinasagaw
rin kapag may namatay sa pamilya. Pitong gabi ang inilalaan para dito.
Magsisimula ito sa unang gabi ng pagkamatay. Ibinibigkas ito mula sa Koran ng
mga lalaki at babae pasalit-salit hanggang buong aklat ay nabasa. Ito ay
isinasagawa para sa mabuting paglalakbay ng namatay.
C. Hadith o Hadis
Ito ay mga kasabihan o
mga kagawian ng Propeta Muhammad na pinagsama ng mga iskolar ng Islam. Ang mga
ito ay isa rin sa batayan ng mga batas ng Islam. Ang mga ito ay nagpapaliwanag
rin ng mga mahahalagang punto sa Koran. Ang wikang gamit ay Arabo.
Ang mga hadis ng
Tausug ay nasa anyong tarasul (poem) o kissa (story), at mga komentaryo
ito sa mahahalagang punto ng Koran. Ang mga hadis tarasul ay kinakanta sa
lugu at nagpapakilala sa isang kabanata mula sa
Korantradition. Itinatanghal rin ito bilang relihiyosong obligasyon ng
mga tao (Rixhon 1974a:16-18).
Ang mga hadis kissa ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento tulad
ng gabbang (native xylophone) at biyula (native violin). Isang halimbawa, the
"Kissa sin Hadis sin Duwa Magtiyaun" (The Story of the Tradition of
Marriage), isinasalaysay ang mga tungkulin ng mag-asawa (Rix-hon 1974a:16).
D. Khutba
Ang khutba ay isang
sermon o pangaral sa Biyernes na ibinibigay tuwing magdarasal ang kongregasyon
at ginagawa ito ng khatib mula sa mimbar (platform). Ito ay tungkol sa mga
relihiyosong paksa at ang gamit ito sa pangarawaraw na buhay. Ang lokal na wika
ang gingamit sa khutba kahit ang mga berso mula sa Koran ay binanabasa sa
wikang Arabo.
PARANG SIBIL
Ito ay isang naratibong kanta na nagsasalaysay ng kabayanihan ng
mga tao na nakikipaglaban sa pamamaraan ng Diyos. Ang mga ito ay kinakanta na
may kasamang musikal na instrumento, gabbang. Bilang isang anyong pampanitikan,
ang mga ito ay tinuturing epiko na isinasalaysay ang pagpasalang ng mga Muslim
sa kamay ng mga Kristiyano sa digmaan.
Ang "Parang Sabil
hi Baddon" ay kuwneto ni Baddon na naisulto ng datu. Si Baddon
ay inatake ng mga marangal ng mga kalalakihan nang matapos siyang ideklara
bilang suwail ng batas. Isang opersayon militar ang isnigawa laban sa kanya.
Ang labanan ay nagsimula sa mga kamaganak nina Baddon at datu (Mercado 1963).
Ang "Parang Sabil hi Abdulla" ay kuwento ni Putli Isara,
isang magandang anak ng panglima. Isang araw sa may ilog, isang Kastilang
sandalo gusto siyang galawin. Dahil ditto, sina Putli Isara at Abdulla ay
gumawa ngparang sabil ("Parang Sabil" 1973).
SINING SA PAGTATANGHAL
Instrumentong
Pangmusikal
Iba’t ibang
musikal na instrumento na pwedeng tugtogin pang-indibidwal o pamparamihan ang
gingamit ng mga Tausug.
Ang pinakakila ay ang
kabuuan ng kulintangan na mayroong dalawang gandang (drums), tungallan (large
gong), duwahan (set of two-paired gongs), at ang the kulintangan (a graduated
series of 8 to 11 small gongs). Di dapat kumulang sa limang tao ang
tugtog sa mga ito. Sinasamahan ito ng mga sayaw at sa mga pagdiriwang (Kiefer
1970:2).
Ang iba pang kilala na instrumento ay ang gabbang (native
xylophone) at ang biyula (native violin). Mayroon itong 14 hanggang 24 keys na
nahahati sa pitong-notas scales. Ang gabbang ang pinakasikat na
musikal na instrumento sa Sulu. Kasabay nito, ang bokal na musika
tulad ng sindil. Ang tono na nabuo kapag tinutugtog ang gabbang ng mag-isa nga
lalaki o babae ay tinatawag na tahtah.
Ang biyula ay tulad
rin ng biyula ng pangkanluranin. Karaniwan lalaki ang tumutugtog ng biyula, ng
gabbang,kasama ng sindil (Kiefer 1970:2)
Ang musika ng pauta ay
iniuugnay sa kapayapaan ar paglalakbay.Ito ay rinerepresenta ng mga sumusunod
na di gaanoong kilalang instrumento: the saunay (reed flute), suling (bamboo
flute), and kulaing (jew's harp). Ang saunay ay binbuo ng payat na
kawayan may anim na butas, 1.5 mm sa dayametro, nakatakip ng sampung simud
(mouthguard). Ang suling ay masmalaking berson ng saunay. Ito ay may
60-cm haba ng kawayan na may 2-cm dayametro. Tulad ng saunay, ito ay mayroong
anim fingerholes (Kiefer1970:4).
Ang mga musikal na
instrumento ng Tausug ay binubuo ng: gabbang; tahtah (gabbang na may kasamang
biyula); ang kasi-lasa, lugu, at tahtah ( kanta para sa biyula); the sinug
kiadtu-kari (kulintangan); ang tiawag kasi ( musika ng saunay), ang tahtah (
musika ng suling); at ibapa (Kiefer 1970).
KALANGAN/TAUSUG VOCAL
MUSIC
Kalangan or Tausug
musika na boses ang ginagamit ay puwedeng hatiin ito sa dalawa: naratibo at
lirko. Puwede pa itong hatiin sa lugu at sa paggabang tradisyon. Ang lugu
ay mga relihiyosong kanta na walang gamit na instrumento, samantalang ang
tradisyon ng paggabang ay sinasabing "makamundong kanta” na
ginagamitan ng gabbang at biyula (Trimillos 1972).
Ang mga naratibong kanta ay nagsasalaysay ng kuwento at sinasama
nito ang kissa tulad ng parang sabil. Ang mga kantang liriko ay
nagpapahayag ng ideya at pakiramdam. Ito ay binubuo ng langan batabata
(children's songs), ang baat (occupational songs), ang baat caallaw at ang
pangantin (funeral and bridal songs, respectively), ang mga tarasul (sung
poems), ang sindil (sung verbal jousts), ang liangkit (from langkit or
"chained"), at ang sangbay o kanta na sinsabay sa sayaw
dalling-dalling.
Ang mga langan batabata ay lalabay. Mayroon silang malambot at nakakaginhawang
himig (Tuban 1977:210).
Halimbawa:
Dundang ba Utu
tug na ba kaw
Liyalangan ta sa kaw
Bang bukun sabab ikaw
In maglangan mahukaw.
Go to sleep
Now my son
I am singing to you
If not because of you
I would not even like to sing.
Ang Baat at ang kalangan ay pareho. Ang baat ang tawag sa pagkanta.
Ang baat taallaw ay mayroong malungkot na himig. Ang sumusunod ay paggunita sa
patay na kapitan (Rixhon 1974a:49).
Halimbawa:
Tuwan ku Tuwan Nahoda
Bati' bali' na ba kaw
Sin pu'pu' Tahaw
Aturan hawhaw
Tubig pangdan malihaw
Hiubat langang uhaw.
My beloved, beloved Nahuda
Will you please wake up
Will you take a look
At the islet of Tahaw
It seems very far
But its clear water among the screw pines
Can quench one's thirst.
Matapos ng
pagtratrabaho ng mga magsasaka at mga mangingisda, kakanta sila:
Manok-manok Iupad kaw
Sulat ini da kaw
Pagdatung mu sumha kaw
Siki limo siyum kaw.
Little bird fly away
Bring this letter
When you arrive make an obeisance
And kiss [her] feet and hands.
…
Saupama naghangka-bangka
In alun landu' dakula
Seesabroos nagkalalawa'
Hi rayang hadja
In ba laum dila'.
Supposing I'll go boating
The waves are very big
The Seesabroos was lost
Mv darling's name
was always on my tongue.
Ang Baat Pangantin ay kilala rin bilang Langan Pangantin. Ito ay kinakanta para
panatagin ang loob ng babaeng ikakasal at upang pawiin ang lungkot ng
kaibigan (Rixhon1974a:51).
Halimbawa:
Unu in hi langan
Sin hidlaw kan jungjungan
Ayir bajanggang
Sukkal banding di kapasangan
Hi ula katumbangan
Bang maisa kulangan
Dayang in pagngnnan
What can I sing
[To ease my] yearning for my beloved
[Her] incomparable presence
cannot be matched
[My] dear idolized lover
When lying in the chamber
Utters the name of his beloved.
Ang sindil (sung verbal jousts) ay napapabilang sa tradisyon ng gabbang at
itinatanghal ng babae at lalakiand na naglalabanan ng pagkamautak.
Ito ay mgy tukso at biro na nasa anyo ng berso. Ang mayroong masmagandang
berson ay pinapalakpalan ng mga paunahin (Kiefer 1970: 10).
Nihma:
arri ba dundangun
aha pantun sila sing pindagun
a pantun sing pagpindangun
arri andu arrj ba hampil punungun
ba lugay diq pagdanganun.
Hussin:
nagsablay kaw manipis ba manga
naganggil no ma kaw mga abris
mga naganggil na mga abris
arri bang kaw Nihma magkawa misis
agun ta kaw hikapanguntis.
Nihma [Woman]:
I sing as I am rocking a cradle
With patience,
Until I am exhausted
I have waited a long time
to be called "darling."
Hassin [Man]:
You, wearing a sheer dress,
Resembling a precious stone,
Resembling a precious stone,
Nihma, when you finally call yourself "Mrs"
I may enter you in a beauty contest.
Ang mga liangkit ay mahahabang piyesa na kinakanta nang mag-isa,
kasabay sa tunog ng gabbang at biyula. Ang paksa ng liangkit ay malawak-
pagibig, digmaan, kalikasan , at iba pa. Ang Tausug lelling, ay
nakuha mula sa Samal, ay mga bahagi ng tradisyon ng liangkit. Kinakanta ito
kasabay sa tugtog ng gitara. Nakikiayon rin ito sa mga kasalukuyang kaganapan.
Ang isang magandang halimbawa ay ang lelling na
sinasalaysay ang pagpasok ng Moro National Liberation Front forces sa probinsya
ng Jolo noong Pebrero1974.
Ang sining sa pagkanta sa sayaw dalling-dalling dance ay tawag
pagsangbay. Ang kanta ay nagdidikta ng galaw na kailangan sundin ng mananayaw.
Ang lugu o sail
tradition ay isinasabay sa mga relihiyosong ritwal at ng mga ritwal sa
kasal, sa panganganal, paggunting, pagtammat, at sa libing. Ito ay mayroong
dahig or jugjug (high vocal ten-sion). Ang tempo ay mabagal na mayroong
mahahabang sustained tono. Kahit ito ay kadalasan ikinakanta ng mga babae,
puwede rin ito kantahin ng mga lalake(Trimillos1974)
Halimbawa:
Piyaganak
Malam ismin piyag bata
Ama pilihan mahakuta
Nabiyulla nabi Muhammad
Panghu sa sin kanabihan.
Birth
It was Monday night
A child was born
Of Allah. He is Muhammad
To redeem the sins of man.
MGA SAYAW
PANGALAY
Ang pinakakilalang
sayaw sa Tausug ay ang pangalay. Ang kanyang pangunahing istilo nito ay
pinagmulan ng iba’t ibang sayaw sa Sulu at Tawi-Tawi. Ang pangalay ay
sinasayawan ng babae man o lalaki, mag-isa o may kasama. Ito ay kadalasan
sinasabayan ng kulintang (Amilbangsa1983:14,62).
Ang sayaw ng
pangalay dances ay naiiba sa paggamit ng janggay (metal nail extenders) upang
payamanin ang mga galaw ng kamay. Ang mga naiunat na daliri ay matigas at
magkahiwalay sa mga hinlalaki.
DALLING-DALLING
Isa pang sikat na sayaw ay ang dalling—dalling. Gumagamit ng
pamaypay at panyo sa sayaw nito. Ang mangaawit sinasamahan ang mananayaw sa
pamamagitan ng paglalarawan ng iba’t ibang galaw ng sayaw. Ang tawag sa kantang
ito ay sangbay at ang pagkanta ay tawag,. pagsangbay. Ang mga kanta nito ay
"Lingisan/kinjung-kinjung," "Dalling-dalling." Ang
pag-unlad ng dalling--dalling ay nagmula sa isangTausug na nagngangalang
na nagging sikat na tagapagtaguyod ng sayawAlbani (Amilbangsa 1983:42).
TAUSUG MARTIAL DANCE
Ang mga sayaw ng martial
art ng Tausug martial-art dances ay itinatanghal ng mga lalake at sinasama
ang langka-silat at ang langka-kuntaw.
A. Ang
Langka-Silat ay nagpapasimula ng away at kadalasan itinatanghal ito ng dalawa o
tatlong mananayaw.
B. Ang
Langka-Kuntaw ay isang sayaw ng self-defense, na
maihahantuld sa martial arts ng China, Japan, at Burma
(Amilbangsa 1983:32-35).
TAUSUG OCCUPATIONAL
DANCE
Ang occupational
dance ng Tausug ay maaring ito ay linggisan, taute, suwa-suwa. Ang linggisan ay
nagpapakita ng ibon na lumilipad. Ang taute ay nagpapakita ng mangingisdang
sumisid para makahuli ng catfish. Ang suwa--suwa, ay
nagpapakita ng mananayaw ginagaya ang pag ng mga sumasayaw na punong
lemon (Amilbangsa 1983:28).
LITERATURA NG
MAGUINDANAO:
Ang mga bumubuo sa
elemento ng literatura ng mga Maguindanao ay ang folk speech at
folk narratives. Ang folk speech ay nahahayag
sa mga antuka/pantuka/paakenala (bugtong) at bayok (tulang
liriko), samantalang ang mga naratibo naman ay nahahati sa tradisyong
pang-islam at sa katutubong tradisyon. Sa tradisyong pang-Islam kasama ang
pagbasa sa Quran, ang tarsila o naratibo ng angkan (genealogical
narratives), ang luwaran, ang paglalarawan sa mga
nakasanayang batas; hadith o mga kataga ng propeta; ang quiza o
mga relihiyosong kwento. Ang katutubong tradisyon naman ay binubuo ng tudtul (katutubong
kwento), at mga epiko tulad ng Raja Indarapatra, Darangen, at Raja
Madaya.
Para sa Maguindanao,
ang mga bugtong ay nakakatulong sa pagsulong at pagkabuo ng pagkakaibigan sa
isang grupo. Nagsisilbi itong kasangkapan sa paghahanda sa pagtuturo. Ang istruktura
ng isang bugtong sa Maguindanao ay binubuo ng isang larawan o imahe at ng isang
paksa. Merong apat na uri ng larawan: komparatibo, deskriptibo, puns o puzzle at
naratibo. Ang mga Maguindanao ay nainiwala sa pagkakaisa ng mga iba’t –ibang
aspeto ng kapaligiran at ang paniniwalang ito ay nasasalamin sa kadalasang
paggamit ng nagsasalungat na imahe at paksa sa mga bugtong. (Notre Dame Journal
1980:17)
Ang pagsasanay ng
bugtong ay ginagawa sa isang grupo, kung saan ang isa ay ang riddler. Kung
isa man sa grupo ang nagnanais na maging riddler, kailangan ay
may nakahanda na siyang bugtong, kung wala pa, siya ay sasailalim sa dtapulung (ridicule),
na binibigay di bilang isang kritisismo ngunit bilang part eng tadisyon ng
bugtungan. Tinuturing ng mga Maguindanao na di magaling na riddler ang
mga nagdadagdag o nagbabawas sa ‘orihinal’ na teksto ng bugtong. Ang bugtungan
ay maaring gawin saan mang oras at lugar, basta’t ito’y gagawin bilang grupo.
Ang kalituhan sa sagot
ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pagtattanong sa matatanda o ng sinumang
nirerespeto sa lugar, partikular ng barangay. Sa ganitong pamamaraan, ang sagot
sa bugtong ay nagiging flexible, dumarami at lumalawak ang
posibilidad ng mga sagot na nagreresulta sa isang pedagogy.
Halimbawa:
Entuden, niaden
It is here, it is
there (wind)
*Bukas rin sa iba pang
kasagutan ang bugtong na ito, halimbawa, pwede rin itong tumukoy sa duyan. Ang
mga bugtong nila ay maaari ring sumalamin sa pananaw nila tungkol sa mundo.
May mga paniniwala
tulad ng, dapat ang bugtungan ay hindi dapat ginagawa sa gabi, para hindi
maenganyo ang mga masasamang espiritu na makisali. Isa pang paniniwala ay ang
di pagamit ng salitang nipai (ahas) kapag gabi sa
bugtungan.
Ang mga verse ng
mga Maguindanao ay pinapahayag sa pamamagitan ng ida-ida a rata (children
rhymes) o sa pamamagitan ng tubud-tubud (maikling tulang
patungkol sa pag-ibig).
Halimbawa:
Pupulayog sa papas ka
pumagapas apas
Ka tulakin kon ko
banog
Na diron pukatalakin
Ka daon kasakriti
Kanogon si kanogon
nakanogon ni ladan ko
A pukurasai mamikir a
ana palandong a dar
Na di akun ipantao na
pusulakan a ig
O matao kandalia.
Flying hard, the swift
is
Trying to catch up the
hawk
But he cannot equal
him
Because he is far too
small
Woe, woe unto me
Worried from thinking of
a loved one
And I cannot let my
feelings prevail,
Express my love
Because everytime I
want to reveal it
Stops it in its way.
Metaporikal ang wika
ng Maguindanao kaya kung ang sasabihin o kung ang nais na ipahiwatig ay
nangangailangan ng pagiingat, bayok ang ginagamit. (Wein 1938:35-36)
Halimbawa:
Salangkunai a meling
A malidu bpagimanen
Ka mulaun sa dibernal
Dun-dun ai lumaging
A paya pagilemuan
Ka mumbus sa hakadulat
Na u saken idumanding
Sa kaludn pun na is
Na matag aku ‘ngka
maneg
Di ku mawatang galing
Talking Salangkunai
T’is hard to trust in
you,
For untrue leaves
could sprout
Dun-dun fond of
chatting
T’is hard believing
you
For cheating buds may
show
Once I (start to)
fondle
From the sea
You would just hear
from me
My darling, close to
me
Ang Luwaran ng
Maguindanao ay lupon ng encoded adat laws na
tumutugon sa mga kasong tulad ng pagpatay, pagnanakaw, pati na rin sa mga isyu
ng pamana at kalakalan. Ang lahat ay nasasakupan ng batas at ito na rin ang
naging basehan ng hudisprudensiya ng Islam. (Darangen 1980:33).
Ang hadith ay
mga kasabihan at kaugalian ni propeta Mohammad na kinulekta, inipon at
pinagtibay ng mga iskolar ng Islam. Nilalaman ng Hadith ang isa sa mga
pinagkunan ng batas ng relihiyong Islam. Ginagamit din itong basehan para sa pagpapaliwanag
ng mga paksa sa Quran. Ang wikang ginagamit at Arabic.
Ang tudtul (katutubong
kwento) ng Maguindanao, ay mga maiikling kwento na may simpleng pangyayari.
Dalawang halimbawa nito ay ang “Lagya Kudarat” na tungkol sa pakikipagsapalaran
ng dalawang anak ni Lagya (rajah) Mampalai ng Lum na tinangay sa kagubatan
matapos dumaing si Mampalai sa kawalan ng pwedeng mapangasawa ng kanyang
dalawang anak. Ang dalawang anak ay sina Lagya Kudarat at Puteli (prinsesa)
Sittie Kumala. Si Puteli Kumala ay tinangay sa kagubatan kung saan nakilala
niya ang isang kabayan (isang matandang dalaga). Inampon siya ng kabayan na ito
kasama ng isang prinsipe na nagngangalang Sumedsen sa Alungan. Kahit na
magkasama sa bahay ay di naguusap sina Sumedsen at Kumala. Di kalaunan ay
umalis si Kumala sa bahay at sumama si Sumedsen. Napadpad sila sa Lum, kung
saan nagkita-kita uli ang magkakapamilya. Di nagtagal ay nagpakasal rin si
Sumedsen at Kumala. Samantala si Lagya Kudarat naman ay tinangay sa
Kabulawanan, doon ay nakilala niya ang isa pang kabayan na pinatira siya sa
kanyang bahay. Isang araw habang nangangaso, nakarinig si Kudarat ng tunog ng
mga naglalaro ng sipa. Sinundan niya ang tunog at ng Makita ang mga naglalaro
ay nakisali siya. Hindi niya alam kung paano maglaro nito, kaya aksidenteng
napunta sa lugar ng isang prinsesa ang sipa. Naghagis ang prinsesa ng isang
singsing at panyo patungo kay Kudarat. Di nagtagal ay ipinakasal silang dalawa.
Matapos ng kasal ay bumalik sila sa Lum at nagkasama-sama muli ang buong pamilya
nila. Matapos ng isang lingo ay bumalik si Kudarat at kanyang asawa sa
Kabulawanan upang manirahan sa biyenan nito. (Notre dame journal
1980:3-6).
Ang isa pang folk
tale ng Maguindanao ay ang “Pat-I-Mata” na tungkol sa dalawang
magkapatid na Pat-I-Mata at Datu sa Pulu. Si Pat-I-Mata ay namumuno sa
Kabalukan at si Datu sa Pulu naman ay sa Reina Regente. Pat-I-Mata ang kanyang
pangalan dahil sa meron siyang apat na mata, na kung saan kapag tulog ang
dalawa ay naiiwang bukas ang natitirang dalawa. Kilala siya sa kanyang
kalupitan sa mga kababaihan, kung saan ay pakakasalan niya ito kung ito’y
maganda, ngunit kapag ito’y pumangit na ay iiwanan na niya. Dahil sa ganitong
ugali ni Pat-I-Mata ang mga mamamayanan ng Kaabalukan ay din a matiis ang
kanyang pagkamalupit. Lumapit ang mga tao sa kanyang kapatid at humingi ng
tulong. Sinubukan ni Datu sa Pulu na bigyan ng payo ang kanyang kapatid ngunit
di ito nagbago kaya naisipan niyang patayin si Pat-I-Mata. Gumawa siya ng isang
hawla, nang makita ito ni Pat-I-Mata, tinanong niya ang kanyang kapatid kung
para saan ito at sinabi naman ni Datu sa Pulu na gagamitin ito bilang
proteksyon sa paparating na bagyo. Dahil sa pagkamadamot ni Pat-I-Mata, hiningi
niya ang hawla at hinayaang gumawa ng bago ang kanyang kapatid. Nang gagamitin
na ang hawla at binuksan ito, hinayaan ni Datu sa Pulu pumasok si Pat-I-Mata at
pinabayaan itong makulong. Bago ihulog sa ilog si Pat-i-Mata ay isinumpa niyang
magkaaway sila ng kanyang kapatid habambuhay. (Notre Dame Journal 1980:7-8).
Ang mga epiko ng
Maguindanao ay sinasalita at pinaniniwalaang naunahan pa ang Islam. Ang epikong
Rajah Indarapatra ay patungkol sa maraming tauhan na biniyayaan ng kakaibang
kapangyarihan. Isang part eng epiko ay patungkol sa pagsilang kay Rajah
Indarapatra, na pinaniniwalaang nagmula sa union ng Sultang Nabi at pinsan
nito.
Ang Rajah Madaya ay
pinaniniwalaang orihinal na literature ng Maguindanao dahil karamihan sa
elemento nito-wika, metaphor, gamit sa kwento ay mula sa
Maguindanao. Sa kabilang banda, ang iba pang elemento ng epiko ay may kasamang
ibang naratibo, isa na rito ang tungkol sa walang anak na si Sultan Ditindegen.
Sa kanyang pagkadesperado, nagdasal siya upang magkaroon ng anak, kapalit ang
pangakong ibibgay niya ito sa isang dragon. Natupad ang kanyang hiling at
kasabay nito ang paglabas ng isang dragon na nagsasabing ito na ang malaking
Prinsesa Intan Tihaya. Nang mabalitaan ni Raja Madaya ang tungkol sa mahirap na
sitwasyon ng prinsesa, ay dumating ito upang tumulong. (Wein 1984:14).
Ang epiko ng Maguindanao
ay binibigkas ng paawit sa paraang melismatiko. Ang mga religious
chants ay karaniwang melismatiko rin at gumagamit ng diatonic
scale. Mahilig ang mga Maguindanao sa chants, dalawang
uri ang ginagamit nila, una ay ang sindil, ito ay ‘coloristic’
ang isa naman ay ang bayok na isa naming syllabic at tetrachordal. Ang
mga oyayi ay tetrachordal rin ang anyo. Ang mga kumakanta ng
epiko at religious chants ay mga propesyunal na maituturing
samantalang ang mga kumakanta ng oyayi at bayok ay maituturing na kabilang lang
sa pangkalahatan.
PANITIKAN NG SAMAL
Ang Sama/Samal ay isa
sa apat na grupong etniko na nasa archipelago ng Sulu. Ang salitang ‘Sama’ ay
maari raw nagmula sa salitang sama-sama (togetherness). Ang wikang gamit
nila ay Siama/ Sinama na tinatawag ring Bahasa Sama, Bisla Sinama at Pamong
Sinama.
Ang tradisyunal na
literature ng mga Samal ay binubuo ng kanilang mga naratibong prosa (narrative
prose), katutubong kwento (folk tale) na karaniwang tinatawag
bilang kata-kata, isang termino na karaniwang tumutukoy sa
mga trickster tales na madalas isang pusung ang sentrong
karakter. Ang iba pang naratibo na mayroon ang panitikan ng Samal ay ang mga
mito, kwento na hayop ang mga bida, numskull tales, kwentong
may mahika, at mga novelistic tales. Mayroong kata-kata ang
mga Samal dahil ito ang nagpapaliwanag sa mga pinagmulan ng pagkain, bituin,
pagkabuo ng lupa at iba pa. May mga kwento rin sila patungkol sa mga dragon,
anghel, halimaw, prinsipe at prinsesa.
Isang araw, noong
unang panahon, may mga matatandang lalaki na nagsasagwan ng bangka gamit ang
isang matabang sanga, nang masira ang sanga, may tumulong katas at natuklasan
nila na ito’y matamis. Sa ganitong paraan nadiskubre ang tubo.
Isang maybahay ang
gumagamit ng gatong para sa kanyang niluluto. Nang magsimulang magbaga ang
gatong, tumalsik ang iba nito sa kamay ng maybahay. Nilapit niya ang kanyang
kamay sa kanyang bibig at aksidenteng nalasahan ang gatong, at ito pala ay
gabi, na maaaring kainin.
Mayroon isang naga
(dragon) na sobrang laki na halos kaya na nitong lumunok ng sampung kalabaw,
nakalalason ang dila at kung ihampas nito ang kanyang buntot ay parang
magkakaroon ng bagyo. Kinain nito ang mga tao hanggang sa isang mag-asawa
kasama ng kanilang isang anak ang natitira. Umakyat sila sa kabundukan upang
hilingin sa diyos na bigyang hangganan na ang kalupitan ng dragon. Di pa sila
natatapos sa kanilang pagdarasal ay lumutang na ang dragon ng napakataas at ito
ang naging bituin sa kalangitan. Sa katapusan ng mundo, ang dragon na ito ay magbabalik
upang parusahan ang mga masasama. (Ziegler 1973:117).
Sa mga kwentong pusung
palaging naiisahan ni pusung ang mga nakatataas sa kanya. Minsan binigyan
Pusung ang sultan ng cake. Nasarapan ang sultan sa cake ngunit
kalaunan ay nalaman niyang gawa pala ang cake sa buhok ng
asong alaga ni pusung. Nagalit ang sultan at dahil dito at ipinautos na
arestuhin si Pusung. Nang malaman ito ni Pusung, sinabihan niya ang mga
guwardiya na ang taong hinahanap nila ay may kulay itim na puwit samantalang
siya ay may dilaw na puwit. Ang mga guwardiya ay nabigong mahuli si Pusung.
Isa pang
paboritong trickster ay si Abunnawas, isang matapat na subject sa
Jolo. Katulad ni Pusung, palagi niya ring naiisahan ang Sultan. Isa sa
maituturing na tagumpay ni Abunnawas ay ang pagpapakasal nito sa isa sa mga
babae ng sultan, na pinaghirapang ligawan ng sultan.
Isang halimbawa
ng novelistic tale meron ang mga Samal ay tungkol sa isang
babae na naghiram ng pera sa kanyang asawa at nagdesisyong umalis patungong
ibang lugar upang hanapin ang swerte. Nanghiram siya sa pitong opisyal ng
sultanato, ang: pang-lima, maharajah, urungkaya, datu, bilal, hatib, at imam.
Sa bawat isa ay nangako siyang ibabalik ang hiniram, at kung hindi man niya ito
magawa, ang kanyang sarili ang kanyang ipambabayad. Dumating ang takdang
panahon ng pagbabayad ngunit hindi niya kayang magbayad, kaya nangako siyang
makipagkasal sa bawat isa. Matapos nito ay nagkaroon siya ng pitong aparador na
ginto ang labas. Isang gabi, dumating ang pitong lalaki sa pagitan ng
tig-iisang oras. Tuwing may kakatok ay nagtatago ang mga lalaki sa may aparador
sa pag-aalalang baka ang asawa ng babae ang dumating. Matapos ang tatlong araw
ay nabalita na may nawawalang pitong opisyal. Lumapit ngayon ang babae sa
sultan at ibinigay ang mga nawawalang opisyal. Pareho niyang nakuha ang
gantimpala para sa mga nawawalang opisyal at pati na rin ang reward
money dahil sa pagsasabi niyang pinilit siyang ipakasal, kahit na alam
na ng mga opisyal na mayroon na siyang asawa.
Ang tradisyong pangmusika
ng mga Samal ay kaugnay rin ng mga iba pang grupo na matataguan sa Sulu. Ang
pinakamatnadang uri ng musika ay ang luguh na siyang kinakanta
ssa mga banal at sosyal na pagtitipon. Mayroon itong mabagal at melancholy
tune.
PANITIKAN NG MGA
TIRURAY
Ang salitang Tiruray
ay mula sa salitang ‘tiru’ na nangangahulugang ‘place of
origin, birth o residence’ at ang ‘ray’ naman ay nangangahulugang ‘upper
part of a stream or river’ . tinatawag ng mga Tiruray ang kanilang mga
sarili na etew teduray (Tiruray People).
Ang panitikan ng
Tiruray ay binubuo ng mga mito, alamat at mga kwentong ang bida ay ang mga
hayop.
Ang mito ng paglikha
ay nakasentro sa isang diyosang nangngangalang Minaden, kung saan hinubog niya
ang mga tao mula sa putik. Matapos gawin nito, nilagay niya ang araw sa gitna
ng himpapawid at lupa, kaya nagkaroon ng umaga. Ang himpapawid ay hinihinalang
may walong layers, ang pinakamataas ay pinamumunuan ni Tulus,
na kapatid ni Minaden. Kilala rin sa iba pang pangalan si Tulus tulad ng
Meketefu at Sualla. Gumawa si Minaden ng dalawang tao at pinalaki ito, ngunit
sa loob ng matagal na panahon ay di ito nagkaanak. Bumaba mula sa himpapawid si
Meketefu at nakita na may problema sa pagkakalikha sa dalawa kaya
napagdesisyunan niya na lumikha ng bagong tao mula sa luwad o putik. Di
nagtagal ay taong nalikha niya ay nagsilang ng isang anak, ngunit wala naming
pagkain para mabuhay kaya namatay rin ito kalaunan. Wala pang lupa noon
kaya humiling ang ama kay Meketefu na bigyan sila ng lupa, na siya rin namang binigay.
Lumipas ang panahon at ang lupa ay tinubuan ng iba’t-ibang klase ng halaman at
gulay. (Patanne 1977:256 and Wood 1957:15-16).
Ang mga Tiruray ay may
mga bayani sa kanilang kulturang mitolohiya katulad nila Lagey Lengkuwos, na
tinuturing na pinakamalakas sa kanilang lahat. Sinasabing nakapagsasalita na
siya kahit na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Siya raw ang nagbigay
ng bagong buhay sa mundo na dating ginawa ni Minaden, dahil ang ginawa dati ni
Minaden ay puro lupa at bato lamang. Ayon sa talaan ni Sigayan, ang mga
babaeng epic chanters ay nagkukwento ng tungkol kay Lagey
Lengkuwos, Metiyatil Kenogon, Bidek at Bonggo na sinasabing mga naunang taong
namuhay sa mundo. Hindi sila mga diyos ngunit sila ay nererespeto at sinusunod
ng mga sinaunang Tiruray. Nakatira na sila ngayon sa mundo ng mga espiritu.
Ang alamat ng “Kung
paano nalikha ang mais at bigas” ay nagpapaliwananag na ang mga sinaunang
Tiruray na kinakatawan ni Kenogolagey at ng kanyang asawang si Kenogen ay
kumakain lamang ng kamote at cassava. Isang araw, isang
matandang lalaki ang bumisita sa kanila at nagbigay kaalaman hinggil sa mas
mainam na pagkain, ang bigas at mais na makukuha lamang sa nakakatakot na
kastilyo ng isang higante sa gitna ng dagat. Dahil sa paying ito ng matanda,
nagpadala si Kenogolagey ng dalawang kaibigan, isang pusa at aso para kunin ang
nasabing pagkain. Dalawang araw silang lumangoy sa dagat at nakita ang pagkain
sa may paanan ng higante. Habang natutulog ang higante, ang pusa ay kumukuha ng
mga butil ng bigas at ang aso naman ay kumuha ng mais, matapos nito ay lumangoy
sila pabalik sa pampang ngunit nahulog ng aso ang mais at napunta ito sa
kailaliman ng dagat. Hindi agad natulungan ng pusa ang aso sapagkat may
dala-dala rin siyang bigas. Nang makarating ang pusa sa pampang ay nilapag niya
muna ang nakuhang bigas at saka lumangoy muli para kunin ang nahulog na mais.
Sinamantala ito ng aso at kinuha ang bigas. Bumalik ang aso sa kanilang lugar
at ipinagmalaking siya ang nakakuha. Nang makaligtas ang pusa ay bumalik ito sa
kanilang lugar at sinabi ang buong katotohanan. Nagalit ang aso at sinugod ang
pusa, ngunit nakatakbo ang pusa. Kahit na nagkaroon na ng bigas at mais sa
kanilang lugar, doon naman nagsimula ang awayan ng aso’t pusa.
Katulad ng Pilandok (mouse
deer), ang pagong sa mga kwento ng Tiruray ay mapanlinlang at makulit. Sa
kwentong “Ang Pagong at ang mga unggoy”, ang pagong ay nakipagkita sa isang
manok na ipinagmamalaki na hindi niya na kailangan pang magpagod upang
makahanap ng pagkain dahil nakahanap siya ng maraming palay. Nainggit ang
pagong sa manok at sinabihan itong namumula ang mata niya, isang palatandaan ng
matinding sakit na maaari niyang ikamatay. Naniwala ang manok sa sapantaha ng
pagong at ito’y ikinatakot niya. Kumuha siya ng dagta ng tegef at
inilagay niya ito sa kanyang mga mata. Tumigas ang dagta, at nataranta ang
manok kaya siya’y nahulog kung saan ang ulo niya’y pumasok sa isang butas na
tinitirahan naman ng isang talangka. Kinain ng talangka ang dagta sa mata ng
manok na naging dahilan upang ito’y maging malaya muli at nagdesisyon itong
maghiganti sa pagong. Samantala, ang pagong ay naglalaro sa may halamanan ng
rattan at inaya rin ang unggoy na maglaro. Di nakayanan ng halaman ang bigat ng
unggoy at ito’y nahulog sa bangin at namatay. Kinuha agad ng pagong ang utak,
tenga at puso ng unggoy. Isa pang unggoy, si Dakel-ubal ay abala sa pagtatanim
ng palay at tinanong ang pagong para sa isang nganga. Nakilala ni
Dakel-ubal ang labi ng unggoy at tinawag ang iba pa nitong kasamahan at
sinentensiyahan ang pagong na mamatay sa paglunod dito. Sa tubig, pinagtawanan
lamang ng pagong ang unggoy. Nagalit ang mga unggoy at nakiusap sa isang
nilalang na nagngangalang Ino-Trigo na sipsipin ang lahat ng tubig papunta sa
tiyan nito. Ginawa naman ito ni Ino-Trigo at nakita nila ang pagong na
nagtatago sa likod ng mga sanga. Nang makita ng manok ang pagong, tinuka niya
ito sa mata ngunit nabigo siya at ang natuka niya ay ang tiyan ni Ino-Trigo,
nabutas ang tiyan nito at lumabas ang lahat ng tubig na siyang nagdulot ng
pagkalunod ng manok at ng mga unggoy.
Maraming uri ng kanta
ang mga Tiruray na nababagay sa iba’t-ibang okasyon. Ang balikata ay
isang awit na may improvised text na kinakanta sa tradisyunal
na melodiya na ginagamit rin sa mga debate at pakikipag-usap. Ang balikata
bae ay kilalang oyayi samantalang ang lendugan naman
ay isang awit ng pag-ibig, isang patulang paglalarawan sa kagandahan ng
ligawan, na inihahambing rin sa mga bulaklak. Minsan, inilalarawan rin nito ang
uri ng pamumuhay meron ang mga Tiruray. Ang binuaya ay isang
kantang naratibo na nagkukwento tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa
nakaraan. Ang siasid ay isang dasal na inaawit na inaalala ang
mga biyayang binigay ni Lagey Lengkuwos at ng espiritu ng kalikasan na sina Serong
at Remoger. Ang foto moto ay isang kanta na wari’y nanunukso
na siyang itinatanghal tuwing may kasal. Ang meka meka ay awit
ng katapatan na kinakanta ng babae sa kanyang asawa.
PANITIKAN NG MGA
YAKAN:
Ang mga Yakan ay ang
pinakalamaking grupo ng Muslim sa Basilan. Tinatawag sila ng mga Espanyol na
Samecas at itinuturing silang maiilap at palaban na taga-bundok (Wulff
1978:149; Haylaya 1980:13).
Ang mga Yakan ay
nagtataglay ng katangian ng mga Malay at nagsasalita ng wikang Bahasa Yakan,
isang baryasyon ng Samal Sinama o Siama at ng wika ng Tausug (Jundam 1983:7-8).
Sinusulat ito sa Malayan Arabic Script na may adaptasyon sa
tunog na hindi maririnig sa Arabic (Sherfan 1976).
Ang
pinaka-prominenteng halimbawa ng literature ng Yakan ay mga alamat.
Dalawang magkaugnay na alamat ay ang kwento ng paglikha ng mundo at tao. Una ay
kadiliman lamang ang mayroon at nilikha ng Diyos ang liwanag, sunod ay ang
tubig at mga puno na nagbunga ng 7.7 milyon na prutas. Sunod na nilikha ng
Diyos ay ang mga ibon na mangamatay matapos kainin ang huling prutas.
Pagkatapos ng pagkamatay ng ibon, nilikha ng Diyos ang 70 Adan na may 70 taon
na buhay. Ang huling Adan ang ating ninuno.
Nilikha rin ng Diyos
ang mga bundok. Si Adan umakyat sa pinakamataas na bundok at napagtantong wala
pa siyang asawa at humiling sa Diyos na bigyan siya. Nagpakita ang isang
espiritu at sinabihan siyang bumalik sa biyernes. Nang dumating ang araw na
iyon, gumuhit ng anyo ng isang babae at sinabi kay Adan na ito ang kanyang
magiging asawa. Matapos ay inatasan si Anghel Gabriel na patulugin si Adan at
kumuha ng laman sa kanyang tadyang na sa kalaunan ay naging si Sitti Hawa (
Eve). Inutusan ng Diyos si Adan na bigyan ng regalo ang kanyang asawa. Ang
regalo na ibinigay ni Adan ay isang pormula: La Ilaha Illahah na
nangangahulugang “Walang ibang Diyos kundi si Allah”. Nagkaroon sila ng apat na
anak, dalawang lalaki at dalawang babae. Ang dalawang lalaki ay sina Kain at
Habil. Mula sa kanila umusbong ang dami ng tao.
Ang isa pang kwento ay
tungkol naman sa pinagmulan ng mga Yakan. Nagkaroon ng isang delubyo at sa
kanluran naman, isang yakal ang nahati na siyang naglalaman ng unang tao sa
Basilan. Sa silangan ay may kabundukan na tinatawag na Tong Magtangal. Mula sa
punso ay lumabas ang unang babae sa Basilan. Nagkita ang dalawa, nag-ibigan, at
nagkaroon sila ng apat na anak. Ang panganay na babae ay si Kumalang, na
ipinangalan mula sa isang ilog na tinatawag na Bohe Kumalang na nasa kanluran.
Sa hilaga nanirahan ang kanilang anak na lalaki na si Gubawan, na hango rin sa
pangalan ng ilog. Sa timog-silangang parte ng isla nanirahan ang isa pa nilang
anak na lalaki na si Tumahubong, na mula sa ngalan ng ilog. Ang huling anak na
lalaki na si Basilan ay ipinangalan mula sa ilog na Bohe Basilan sa may
silangan.
Isang araw, isang
negosyanteng nagngangalang Julol mula sa Borneo ang dumating at umibig kay
Kumalang. Ang mga magulang ni Kumalang ay pumayag na ipakasal sila sa kondisyon
na makakapagdala si Julol ng mga binhi ng mangga, niyog at marang na nagawa
naman niya, kaya ang Basilan ay sagana sa mga prutas na ito (Sherfan 1976).
Ang pinakapopular na
katutubong kwento ay tungkol sa mga hayop. Isang halimbawa ay ang kwento sa
suliranin sa pagitan ng mga unggoy at paru-paro. Isang araw ang mga paru-paro,
bibe at ibon ay nagsagwan gamit ang isang malaking dahon at tubo naman bilang
batangan. Isang unggoy ang kumain sa tubo kaya naman ang mga nasa dahon ay
tumaob. Nagalit ang mga ibon at tinanggihang tulungan makapunta ng pampang ang
mga unggoy, ngunit nakumbinsi ng mga unggoy ang isang paru-paro. Nang makaahon
sa pampang ang unggoy ay tinapakan niya ang paru-paro hanggang sa mamatay
ito. Nagalit ang iba pang mga paru-paro at kalaunan ay nagkaroon ng digmaan.
Nangamba ang mga paru-paro dahil sa sila’y maliliit lamang ngunit nakaisip ang
pinuno ng mga paru-paro. Dumapo sila sa ilong ng mga unggoy at lumipad kaagad
kaya naman ang mga unggoy ay nagkatamaan. Namatay ang mga unggoy maliban na
lamang sa isang buntis kaya naman di nagtagal ay dumami muli ang mga unggoy
(Eugenio 1989:42-43).
Ang panitikan ng Tausug ay binubuo ng tula at prosa, naratibo at di naratibo. Ang mga nilalaman ng mga ito ay maaring mapabilang isa sa dalawang tradisyon:
Karamihan sa mga kasanihan sa Tausug ay nagpapakita ng dominanteng etniong katangian.
Gam muti in bukug,
ayaw in tikud-tikud.
It is better to die
rather than run away from trouble.
In isug ha way akkal' way guna'.
Courage without discretion is useless.
In tau nagbubuluk bihasa mahumu marayaw in
parasahan niya.
A person who works hard often has a comfortable life.
In halli' subay wajib
mangadjang ha di'
patumu' in ulan.
One must always be
prepared to have a roof
ready before the rain falls.
Ang paniniwala at pagtitiwala sa Panginoon ay enduring sa mga kasabihan sa Tausug:
*Tuhan in paunahun,
ha unu-unu hinangun,
minsan kaw malaung,
maluhay kaw maapun.
God must be first
before you do anything else,
even if you make a mistake,
you will be easily forgiven.
In manussiya magparuparu,
sagawa in Tuhan in magbaya.
Man plans
but God decides.
*Kitbita in pais mu;
bang masakit kaymu,
masakit da isab ha kaibanan mu.
Pinch your own skin;
if it is painful to you,
it is also painful when done to your fellows.
*Unu bagun gikus,
unu lubid us' usan?
What [kind of] rope are [you] twining,
what [kind of] rope are [you] coiling?
Mana'ta lupu
Kimita' pagtanuman
Bang awn na kantanaman
duun na magjambangan.
[I'm] surveying the field
In search of a place to plant
If [I] can find a pleasant place
There [I'll] make my garden.
In bawgan' pana' mu
Yan da ka kaymu?
Bang kaw biya' siyumu
Bihun ta kaymu
Your arrow container
Is it still with you?
If you are tired of using it
I'll buy it from you.
Maaring ang maging sagot ay:
Mayta' mu subay andagan?
Bihun paandigan
Bang kaw biya' sukuran
Kalu mu mabawgan.
Why do you have to ask for the price?
And buy it insinuatingly?
If you are lucky
You might have the bow for free.
Tausug pituwa (maxims or advice)
Suppak bata malangug, mahumu' kasakitan.
The retribution for a naughty child is pain.
Dunya ini pinjaman
Hapitan panayaman
Ayaw maghamanhaman
Mahuli kananaman
The world goes on and on
a stop-over for games
do not waste time
for at the end comes repentance
bahal panadu?
Tinatagong Mensahe: Mayta' bang tau mabuta di' makakita'?
Why can't blind men see?
Ha' yangad maka-iyul-iyul sinanniyu' binhi' bang
aniya' sinaha' aniyu ni pagkawakawalan, aniyu' higan,
aniyu janni.
Tinatagong : Makaluuyluuy biya' kattu' ini bang way
usahd ta, way gadgi, way pangadji'.
It is a pity for people like us not to have a job nor
to earn a salary, nor to have an education.
Tarasul (poems)
Halimbawa:
In ulan iban suga
Kagunahan ha dunya
U! Apu' Banuwa
In jambangan tulunga.
The rain and sun
Are essential on earth,
Oh, Apu' Banuwa ["grandfather chief"
or angel Michael]
Help the garden.
…
Manggis iban buwahan
Kasusuban sin katan;
In marang iban duyan
Bungangkahuy manaman.
The mangosteen and the lanzones
Are the delight of everybody;
The marang and the durian
Fruits are tasty.
…
Tarasul ini iban daman
Ganti' pamintangan
Ha pasal ina' subay kalasahan
Di ha dunya ganti' patuhanan.
This tarasul and daman
Serves as a lesson
Concerning the obligation to love one's mother
Since she is God's representative on earth.
…
Mabugtang agun in baran ku
Pasal sin raybal ku.
Hangkan no aku di' no magkadtu
Sabab landu' susa in atay ku.
My whole being seems paralyzed
[Thinking] of my rival.
The reason I no longer pay [her] a visit
Is that my heart is grieving much
Kaddim alua hi dua
Magsailu kita alua
Alua mumari kaku'!
Alua ku mattun kaymu,
Bang adlaw aku in ha atay mu
Bang dum aku in ha mata mu
Iya Mikail, iya Sarapil, iya Gibrail, iya Muhammad
Pasabisabilra niyu aku
Katua niyu kaku' hi (ngan sin babae). Pukawa!
Barakat Laillahailqulla
Barakat duwa Muhammad Razurulla.
Our two souls are chained
Let's exchange our souls
Your soul will come to me;
My soul will go to you.
At daytime I'm in your heart,
At night time I'm in your eyes.
O Michael, O Raphael, O Gabriel, O Muhammad
I am inviting you
To go to [name of woman]. Wake her up?
God's blessings!
Blessings of Muhammad
1. Halimbawa ng unang uri ay ang "In Duwa bud" (The Two Mountains). Mayroon isang lalaki at isang babae na namatat sa dalawang bukid. Pinaniniwalan ang dalawang ito ay mahiwaga. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng dagat ng Sulu at Zamboanga.
Ang panitikan pang-Islam ay maipapakita sa mga teksto ng Arabo sa pamamagitan ng hadis (commentaries on Islamic law), khutba (Friday sermon), at salat (prayers), (Rixhon 1974a:6-14).
Ang pangadji o pagbabasa ng Koran ay isinasagawa ng mga Muslim upang ipakita nag kanilang pagmamahal at pananampalataya kay Allah. Ito ay maaring gawin sa publiko o sa sariling pagpapahayag ng debosyon kay Allah.
Ang mga hadis kissa ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento tulad ng gabbang (native xylophone) at biyula (native violin). Isang halimbawa, the "Kissa sin Hadis sin Duwa Magtiyaun" (The Story of the Tradition of Marriage), isinasalaysay ang mga tungkulin ng mag-asawa (Rix-hon 1974a:16).
D. Khutba
Ito ay isang naratibong kanta na nagsasalaysay ng kabayanihan ng mga tao na nakikipaglaban sa pamamaraan ng Diyos. Ang mga ito ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento, gabbang. Bilang isang anyong pampanitikan, ang mga ito ay tinuturing epiko na isinasalaysay ang pagpasalang ng mga Muslim sa kamay ng mga Kristiyano sa digmaan.
Ang "Parang Sabil hi Abdulla" ay kuwento ni Putli Isara, isang magandang anak ng panglima. Isang araw sa may ilog, isang Kastilang sandalo gusto siyang galawin. Dahil ditto, sina Putli Isara at Abdulla ay gumawa ngparang sabil ("Parang Sabil" 1973).
SINING SA PAGTATANGHAL
Ang iba pang kilala na instrumento ay ang gabbang (native xylophone) at ang biyula (native violin). Mayroon itong 14 hanggang 24 keys na nahahati sa pitong-notas scales. Ang gabbang ang pinakasikat na musikal na instrumento sa Sulu. Kasabay nito, ang bokal na musika tulad ng sindil. Ang tono na nabuo kapag tinutugtog ang gabbang ng mag-isa nga lalaki o babae ay tinatawag na tahtah.
Ang mga naratibong kanta ay nagsasalaysay ng kuwento at sinasama nito ang kissa tulad ng parang sabil. Ang mga kantang liriko ay nagpapahayag ng ideya at pakiramdam. Ito ay binubuo ng langan batabata (children's songs), ang baat (occupational songs), ang baat caallaw at ang pangantin (funeral and bridal songs, respectively), ang mga tarasul (sung poems), ang sindil (sung verbal jousts), ang liangkit (from langkit or "chained"), at ang sangbay o kanta na sinsabay sa sayaw dalling-dalling.
Ang mga langan batabata ay lalabay. Mayroon silang malambot at nakakaginhawang himig (Tuban 1977:210).
Dundang ba Utu
tug na ba kaw
Liyalangan ta sa kaw
Bang bukun sabab ikaw
In maglangan mahukaw.
Go to sleep
Now my son
I am singing to you
If not because of you
I would not even like to sing.
Ang Baat at ang kalangan ay pareho. Ang baat ang tawag sa pagkanta. Ang baat taallaw ay mayroong malungkot na himig. Ang sumusunod ay paggunita sa patay na kapitan (Rixhon 1974a:49).
Tuwan ku Tuwan Nahoda
Bati' bali' na ba kaw
Sin pu'pu' Tahaw
Aturan hawhaw
Tubig pangdan malihaw
Hiubat langang uhaw.
My beloved, beloved Nahuda
Will you please wake up
Will you take a look
At the islet of Tahaw
It seems very far
But its clear water among the screw pines
Can quench one's thirst.
Manok-manok Iupad kaw
Sulat ini da kaw
Pagdatung mu sumha kaw
Siki limo siyum kaw.
Little bird fly away
Bring this letter
When you arrive make an obeisance
And kiss [her] feet and hands.
…
Saupama naghangka-bangka
In alun landu' dakula
Seesabroos nagkalalawa'
Hi rayang hadja
In ba laum dila'.
Supposing I'll go boating
The waves are very big
The Seesabroos was lost
Mv darling's name
was always on my tongue.
Ang Baat Pangantin ay kilala rin bilang Langan Pangantin. Ito ay kinakanta para panatagin ang loob ng babaeng ikakasal at upang pawiin ang lungkot ng kaibigan (Rixhon1974a:51).
Unu in hi langan
Sin hidlaw kan jungjungan
Ayir bajanggang
Sukkal banding di kapasangan
Hi ula katumbangan
Bang maisa kulangan
Dayang in pagngnnan
What can I sing
[To ease my] yearning for my beloved
[Her] incomparable presence
cannot be matched
[My] dear idolized lover
When lying in the chamber
Utters the name of his beloved.
Ang sindil (sung verbal jousts) ay napapabilang sa tradisyon ng gabbang at itinatanghal ng babae at lalakiand na naglalabanan ng pagkamautak. Ito ay mgy tukso at biro na nasa anyo ng berso. Ang mayroong masmagandang berson ay pinapalakpalan ng mga paunahin (Kiefer 1970: 10).
Nihma:
arri ba dundangun
aha pantun sila sing pindagun
a pantun sing pagpindangun
arri andu arrj ba hampil punungun
ba lugay diq pagdanganun.
Hussin:
nagsablay kaw manipis ba manga
naganggil no ma kaw mga abris
mga naganggil na mga abris
arri bang kaw Nihma magkawa misis
agun ta kaw hikapanguntis.
Nihma [Woman]:
I sing as I am rocking a cradle
With patience,
Until I am exhausted
I have waited a long time
to be called "darling."
Hassin [Man]:
You, wearing a sheer dress,
Resembling a precious stone,
Resembling a precious stone,
Nihma, when you finally call yourself "Mrs"
I may enter you in a beauty contest.
Ang mga liangkit ay mahahabang piyesa na kinakanta nang mag-isa, kasabay sa tunog ng gabbang at biyula. Ang paksa ng liangkit ay malawak- pagibig, digmaan, kalikasan , at iba pa. Ang Tausug lelling, ay nakuha mula sa Samal, ay mga bahagi ng tradisyon ng liangkit. Kinakanta ito kasabay sa tugtog ng gitara. Nakikiayon rin ito sa mga kasalukuyang kaganapan. Ang isang magandang halimbawa ay ang lelling na sinasalaysay ang pagpasok ng Moro National Liberation Front forces sa probinsya ng Jolo noong Pebrero1974.
Ang sining sa pagkanta sa sayaw dalling-dalling dance ay tawag pagsangbay. Ang kanta ay nagdidikta ng galaw na kailangan sundin ng mananayaw.
Piyaganak
Malam ismin piyag bata
Ama pilihan mahakuta
Nabiyulla nabi Muhammad
Panghu sa sin kanabihan.
Birth
It was Monday night
A child was born
Of Allah. He is Muhammad
To redeem the sins of man.
Isa pang sikat na sayaw ay ang dalling—dalling. Gumagamit ng pamaypay at panyo sa sayaw nito. Ang mangaawit sinasamahan ang mananayaw sa pamamagitan ng paglalarawan ng iba’t ibang galaw ng sayaw. Ang tawag sa kantang ito ay sangbay at ang pagkanta ay tawag,. pagsangbay. Ang mga kanta nito ay "Lingisan/kinjung-kinjung," "Dalling-dalling." Ang pag-unlad ng dalling--dalling ay nagmula sa isangTausug na nagngangalang na nagging sikat na tagapagtaguyod ng sayawAlbani (Amilbangsa 1983:42).
panget
TumugonBurahintama ka
Burahintatlong mahalagang paraan ng pagtatanim ng gulay / palay/orkidyas /ibang halaman na ginagamit /ginagawa sa pulo ng mindanao.
TumugonBurahinThe most enduring symbol of the Norse - titanium arts
TumugonBurahin› tj-metal-arts › 출장안마 tj-metal-arts The most enduring symbol of the Norse - titanium 도레미시디 출장샵 arts https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ · The most enduring symbol microtouch solo titanium of the Norse - titanium arts · The most enduring symbol of the 1xbet login Norse - titanium arts.